Chapter 34

375 20 2
                                    

Debin's POV

"Late ka na Gabbi" sabi ni Belle.. teka? Bakit nga ba Belle na ang tawag ko sa kanya? Tsss.. bahala na nga... panget pa rin naman sya sa paningin ko,

hmm...

bahagya ko syang pinagmasdan habang nililigpit nya ang mga libro na gamit nila sa lecture... sa totoo lang.. tama sila, hindi sya panget.

Cute sya.

>.<

Tsk! Ano ba Debin? Anong nangyayari sa'yo?

"Tapos na ang lecture at kahit kaibigan pa kita hindi ko yun ieextend para sa'yo, lalo na may kasama kang masakit sa paningin ko" grabe and sungit nya, well dati pa naman pero bakit ngayon sobrang apektado ako? Parang halos lahat nalang ng sabihin nya pumapasok agad sa isip ko, saka ako? Masama sa paningin nya? Ouch! Sa gwapo kong to? "Sorry Belle, I met Ian kasi in the parking lot, we were supposed to go somewhere pero I changed my mind kasi kasama si Nat.."

"well I guess you're not close with Nat anymore but.... you're close with HIM?" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito, hindi ako makasabat.. ano bang nangyayari sa'kin? Totoo ba ang gayuma? O panaginip lang 'to?

***FLASHBACK***

"Sira-ulo ka Debin!!!" Sigaw ko sa sarili ko ng makapasok ako agad sa loob ng kwarto ko, walang tigil kong pinipisil at paulit-ulit na sinasampal ang magkabilang pisngi ko para lang magising ako sa masamang panaginip na 'to... pero hindi, totoo nag nangyari,, hinalikan ko si Panget.. bakit? Bakit ko ginawa yon?

**KkkKRRrrriiiinng**

"Oh Bro bakit napatawag ka?" Si Ian...

"Bro..."

"Oh? Anong meron? Bakit ganyan boses mo? May ginawa ka nanamang kalokohan no? Bro sinasabi ko sa'yo dapat graduate na tayo sa ganyan.. senior na tayo oh.." Hay nako.. kahit kailan....

"Bro, ewan ko kung kalokohan nga pero.. kung sa iba nangyari yon, paniguradong masayang masaya sila.. pero sya? Mukhang isusumpa nya ko kapag nakita nya pa ako ulit"

Crashing into You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon