BELLE's POV
After class ay pumunta na nga ako sa Dean's office
"Good afternoon Dean"
"Oh.. Hi Ms. Villalobos, how can I help you? and.. why are you not in your uniform?"
yun nga ang dahilan kung bakit ako nandito....
"That's why I'm here.... I have to have you sign this..." abot ko pa sa student handbook ko "dress code violation."
"Oh.. I see, so why are you not in your uniform? and... you look pale"
"Natapunan po kasi ng juice kanina Dean"
Bigla naman tumahimik si Dean at saka ako masinsinang tinignan..
"Are you being bullied here Ms. Vilallobos?"
O.O
hindi ko alam ang isasagot ko...
"Hindi ko alam kung bullying ang tawag don dahil hindi naman ho ako naapektuhan."
"But you know that it's against our school policy right? you have to let me know kung mayroong nambubully sa'yo because we will never tolerate this kind of behavior, do you understand?"
"Yes Dean" mahinang sagot ko sa kanya...
nagpasya akong hindi muna ipaalam kay Dean ang nangyayari dahil ayaw ko na ring lumaki pa 'to.. sigurado rin kasi ako na sa oras na mapagalitan sila ay lalo lamang titindi ang galit nila sakin kahit na hindi ko naman talaga alam ang dahilan..
:|
"Ahhhh!" Aray! sobrang sakit ng tiyan ko... palabas na sana ako ng pintuan ng biglang parang nagdilim ang aking paningin at napahawak bigla sa pader..
"Are you okay Ms. Villalobos? are you sick? you look pale"
"I'm fine Dean.. mauna na ho ako."
**BBbbLLlaaagggg!!**
"Are you Okay? Ms. Villalobos?" gulat akong napaupo na pala ako sa sahig at nasa aking gilid na si Dean.. hindi ko na masayadong narinig pa ang iba nyang sinasabi... nabibingi ako.. kahit anong pilit ko iiling ang ulo ko ay tila parang lumulutang ito... pakiramdam ko ay namanhid na rin ang buong katawan ko sa sakit ng tiyan ko....
"Ms. Villa......."
.....
GABBI's POV
Nakakalungkot lang ang nangyari kay Belle ngayong araw... hindi ko inaasahan na gagawin nila Nat at Debin yun sa kanya, sana pala ay hindi ko na sya pinilit pang magpunta sa cafeteria, sana hinayaan ko nalang syang mag-stay sa room ng sinabi nyang wala syang ganang kumain at gusto nyang matulog nalang... bakit ba kasi ang kulit mo Gabbi? kasalanan kong lahat ng 'to eh, ngayon nasa Dean's office nanaman sya.. haaaay! Hindi kaya mas mabuting ako na ang iiwas kay Belle? pakiramdam ko wala naman akong maitulong sa kanya, ngayon kasalanan ko pa kung bakit sya nagkaron ng dress code violation.
>.<
Balak ko syang hintayin sa parking at isabay pauwi... pipilitin ko syang isabay kahit ayaw nya! ito lang ang magagawa ko para sa kanya. "Ang tagal naman nya.." sambit ko sa sarili.. kaya naman I decided na sundan nalang sya sa office ni Dean.. pero gulat akong nagkakagulo ang lahat at may mga medics na dumating.
"Dean what happened?!" malakas na tanong ko kay Dean na tila gulat pa rin sa nangyari, kasalukuyan namang inihihiga si Belle sa stretcher..
BINABASA MO ANG
Crashing into You (Season 1)
RomanceWhen love meets mystery would you stay away or fall even deeper?