GABBI's POV
Para akong wala sa sarili simula pagka-gising ko kaninang umaga..... hanggang ngayon na naglalakad ako papasok sa classroom....
>.<
Hindi ko alam kung pa'no ko haharapin si Belle ngayon sa school, ano ba naman kasi yung mga pinagsasabi mo kahapon Gabbi?! For sure maiilang at iiwasan na ko ni Belle!
"Good Morning Gabbi"
O.O
"G..good M..morning.. Belle.." gulat na gulat akong nilingon sya na galing sa aking likuran..
hindi nya ako iniiwasan? so... okay pa rin kami?? AND WAIT... SHE'S WEARING OUR UNIFORM..
WOW.....
SHE'S VERY PRETTY.. bagay na bagay sa kanya......
:O
nauna syang nakaupo sa silya dahil ako'y naiwang nakatulala sa kanya..
"Hoy Gabbi, reyna lang ang peg? tatabi din ha? sa gitna ka pa talaga nag-day dreaming kaloka!" sita sakin ni baklang Josh! aga-aga mangasar ng baklang 'to, bwiset!
"Ay sorry naman po madam.. ayan na po tatabi na..." at saka ako naupo na sa aking upuan
"Ay bongga! Naka-uniform na si Belle! in fairnes.. bagay! hindi ka na mukhang puno! may konting flowers na hahaha!!" pangaasar pa ni josh kay Belle,tinignan lang ni Belle si Josh but as usual... hindi nya pinapatulan ang mga pangaasar nito pero totoo ang sinabi nya.. parang ang laki ng iniba ng itsura ni Belle... hindi ko alam kung anong nagbago.. nag-uniform lang naman sya.. pero she looks so pretty talaga! Bagay kasi sa maamo nyang mukha ang style ng uniform namin, nakita din ang hugis ng katawan nya which is... medyo sexy sya kung iko-compare sa mga suot nyang white loose na shirt for the past few days.
"So bakit tulaley ang peg natin?" biglang tanong sa'kin ni Josh, napatingin naman akong bigla kay Belle ngunit abala sya sa pagaayos ng kanyang gamit.
"Wala!"
"Ay?! agang high-blood girl?"
"Ang aga ng chismis mo noh?"
"kaya ka chumachaka Gabbi girl, you need chismis.. it's vitamin C.. Duh!" baklang to.. sabihin mo vitamin mo lang yan.. dinadamay mo pa kami..
"Good morning guys.. wow Belle you look nice!" true Ivan!! ngunit gaya ng ginawa ni Belle kay Josh ay nginitian lang din sya ni Ivan, grabe ang tahimik talaga ni Belle. Ngunit biglang napatingin sakin si Ivan at nahuli akong nakangiting sobra.. "Mukhang sang-ayon si Gabbi ah.." bwiset bakit mo pa ko pinansin.. kainis ka naman Ivan eh...
ano ba 'to? kinakabahan akong kausapin sya...
ano ka ba naman Gabbi! ang awkward mo!
"A...ah.. B..belle.." nauutal ko pang umpisa..
"HAHAHAHA! my Gosh girl! kelan ka pa nagkasakit? nauutal?? B...bbbbbelle!" panggagaya nya pa sa'kin
>;(
"Josh.. ang aga-aga inaasar mo si Gabbi." si Ivan
kinabahan naman akong bigla ng nakitang kong napatitig sa'kin si Belle.. di ko alam ang sasabihin ko!
>.<
"May sasabihin ka ba Gabbi?" malumanay ang tono ng boses nya.. pero bakit wala akong maisagot agad, Gabbi you need to talk!!
BINABASA MO ANG
Crashing into You (Season 1)
RomanceWhen love meets mystery would you stay away or fall even deeper?