Chapter 19

278 13 0
                                    




MARKUS's POV

Bwiset na De La Vega 'to pabago-bago ng isip parang babae! Kapag ikaw lang hindi umorder ng pizza at chicken wings humanda ka sa'kin! hindi ko alam kung saan sya nagpunta kanina, hindi nya manlang sinabi sa amin ni Ian, tapos ngayon ay uutusan nya kaming pumunta na lang sa bahay nya? gagong 'to.

"Bro alam mo ba kung saan pumunta si Debin kanina?"

"Hindi nga Bro ang kulit mo ilang tanong ka na ah, do you have memory gap now? tsk! hindi na yan healthy Bro." umiling iling na lamang ako sa sagot nya, kahit kailan hindi nawala ang pagka-health freak nitong gagong 'to. Sabado ngayon, saan naman kaya ang lakad ni Debin kanina? eh hindi naman bumabangon yon ng maaga. tsk! tatanungin ko nalang sya mamaya. Maya-maya pa ay nakarating na rin kami ni Ian sa mansion ng De La Vega's.

"Hi Tito" bati ko sa daddy ni Debin na nasa may garahe at tila tsini-check ang mga sasakyan nila. "Si Debin ho ba nasa bahay na?"

"Oh Markus, Ian kayo pala, Oo kakadating-dating lang, hindi ba kayo ang kasama nya kanina?" nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ian, hindi namin alam kung magpapanggap kami na kami nga ang kasama ng gagong yon o hindi, wala naman kasi syang sinabi! "Ah hehe Opo tito, may dinanan kasi kami ni Ian kaya nauna nalang sya dito... diba Bro?"

"Ahh o-opo tito" tila napilitang sagot ni Ian, mabait kasi 'to hindi sanay sa pagsisinungaling.

"I see.. I see... alright, well just go inside nasa kwarto nya ata ang batang 'yon."

"Okay tito, see you later." pagmamadali naming alis ni Ian, medyo istrikto kasi ang dad ni Debin kapag nagtagal pa kami ay baka tanungin nanaman kami ng kung ano-ano kaya naman mas kasundo namin si tita, nagpatuloy kami sa paglalakad ni Ian papunta sa main door.

"Nagugutom na ko, hindi pa ko nagbe-breakfast at dahil kay Debin!" inis kong sabi habang naglalakad..

"Bro, that's not healthy, breakfast is the most important meal, dapat hindi mo yun namimi-missed!" bwiset! kaya minsan ayaw kong kausap 'tong gagong 'to eh. Magdo-doorbell na sana si Ian ng pigilan ko sya.. "Bakit ka pa magdo-doorbell? i-istorbohin mo pa sila tita, pinatuloy nanaman tayo ni tito, tsk! Just open the door"

Crashing into You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon