Chapter 2

20 8 4
                                    

Sam P.O.V

Last day namin ngayon at seam break na namin bukas. Wala naman kaming gagawin ngayon sabi ng teacher namin at puwede na kaming lumabas hintayin na lang yung time na mag bell na at puwede na kaming pumunta sa cafeteria.

"Hey, girl nabalitaan mo ba na nakita raw si Lara na may batter yung buong katawan niya habang pabalik sa kanyang room. Mukhang galit nga eh" girl 1

"Malamang galit, eh sino paba naman ang hindi magagalit kapag binuhusan ka ng batter. Like ewww, nakakagalit kaya yun straight to the core" girl 2

"Sa tingin mo sinong may gawa nun" girl 1

"Malamang sina Sam at Laisa, sino pa ba, eh, sila lang naman yung pumapatol kay Lara—at balita ko gusto niya yung boyfriend ni Sam na si Glen" girl 3

Nong sinabi nila yun tumingin sila sa akin ng sandali at nag-balik na sa kanilang ginagawa. Lumabas na lang ako at pumunta na sa old library na sinasabi nila na may multo raw. May dalawang klasing library dito, yung old at new library. Yung new library medyo malayo pero bago lahat yung gamit at modern at sa old library siyempre lahat luma at kaunti lang yung pumupunta dito and that is what I like about this place, kunti lang yung tao kaya feeling ko, ako lang mag-isa sa mundo.

Narinig ko yung ring ng bell kaya pumunta na ako sa cafeteria pagka- tapos nito ay pupunta ako sa dorm namin ni Laisa dahil marami lang akong maririnig na walang kuwentang comento tungkol sa amin.

Pagkarating ko dun nakita ko sina Rey, Glen at Laisa na kumakaway dun sa isang table na palagi namin inuupuan, wala man sino yung gustong umupo na inuupuan ng mga pervert. Nong nalaman ni Lara na si Laisa ay isang student mother, ipinagkalat niya ito sa buong campus at dun na nagsimula ang mga walang kuwentang comento sa amin. Hindi namin ito pinapansin pero minsan hindi maiwasan na maiyak na lang dito kaya pag natapos na yung class namin ay lumabas kami at pumupunta sa mga bar or cafe.

Kapag nandito sana si Lance hindi ito mangyayari pero dahil wala siya kakayanin namin ito. Sapat na yung kinuha ni Lance yung mga answer sa entrance exam para makapasok kami. 

Kumuha na ako ng mga pagkain ko dun sa counter at pumunta na sa table namin.

"Are you ok Sam?" tanong ni Glen sa akin. Sinasabi lang namin yung 'Meh' at 'Deh'  if we are on a private place or kasama namin yung mga barkada namin.

"Yeah. Ummm. Nagkalat lang kasi yung ginawa ni Laisa kay Lara sa buong campus at nagsimula na naman silang mag sabi sabi ng mga walang kuwentang bagay tungkol sa amin" sabi ko sa kanila.

"Huh. Bakit. Ano ba yung ginawa ni Laisa kay Lara na magkalat ito sa campus?" anong ni Rey na nag-aalala na sa pinag-gagawa ni Laisa.

"Dapat lang yun sa kanya at dahil hindi ko na mapigilan ang galit ko sa mga panglalait niya sa akin" sabi ni Laisa na may bahid na lungkot.

"Ano! Ginawa niya yun sa 'yo ba't hindi mo sinabi sa akin. Lagot talaga si Lara sa akin wala akong paki-alam sa kanya kahit babae siya" sabi ni Rey at tatayo na sana nang pinigilan siya ni Glen.

"Ayan na naman. Dumadating na naman ulit yung pagiging basag ulo mo eh at kapag ginawa mo yan baka ma expelled tayo dito. Pinapaalala ko sa iyo ang papa niya ay district supervisor  mas mataas kaysa mama ni Lance, kaya wag natin ipa baliwala yung ginawa ni Lance, okay" mahinahong sabi ni Glen sa kanya kaya umupo ulit ito sa kanyang upuan.

"Still. She's gonna pay for what she'd said to Laisa" sambit ni Rey habang galit.

"Ano bang ginawa niyo sa kanya?" tanong ni Glen sa akin.

"Tinapunan lang naman namin ng cake batter yung ulo niya at para narin matikman niya yung ginawa ni Laisa" matawa-tawa kong sabi sa kanila

"You did what?!" sabi ni Glen at tinignan si Rey

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now