Chapter 17

10 4 2
                                    

Sam P.O.V

Kanina pa kami paikot ikot dito sa plaza pero hindi pa namin nahanap ang taong 'yun. Magaling talaga ang kalaban namin mag tago. Ilang sandali pa, sa isang magulong nagtitipunan na mga tao. May nakita kaming pamilyar na mukha ng isang lalaki. All black suited siya. Nakikihalobilo rin siya sa mga nagkukumpulan na tao.

Nag bigay ako ng sign kay, Iane na may na mukhaan ako na tao ng kalaban. Sinabi niya agad ito kina Trisha at Brianna. Dahan dahan kami pumasok sa kaguluhan at nakita namin kung bakit sila nagkakagulo dito. Isang babae, patay at mukhang na lason siya. Bumubula pa ang kaniyang bibig at may liit siya saksak sa tagiliran.

"Oh my god, call the ambulance!"

"Hurry! Call 911! She might be still able to survive!"

'Yan ang mga sinabi ng mga tao na pumapaligid sa katawan ng babae na ito. Bakit ba lahat ng tao ganito. Nakiki chismis muna bago tumulong. May pasabi sabi pa silang "tumawag kayo dito" "tulungan niyo siya, dali!" eh puwede naman sila ang tumulong. Mga tao nga naman. Napatingin ako kalaban namin at nakita ko kung paano niya tignan ang babae.

Isang dismaya, nandidiri, at galit ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Umalis ang kaniyang titig sa babae at biglang siyang nagulat nang nakita niya ako. Kahit ganun kalmado parin siya, sinuot niya ang kaniyang shades at face mask na kulay itim rin. Dahan dahan siyang umalis sa mga nagkukumpulan na tao at umalis.

"Trisha. Ikaw ang malapit sa target, habulin mo siya. Dali!" sabi ko sa earpiece na ginagamit namin nang pumunta kami dito.

Tumango si Trisha at umalis narin siya at sumunod kami. Habang malayo ang kalaban namin sa naroroonan namin bumilis ang paglalakad ni Trisha at nung ilang metro ang na nanamagitan sa kanila bigla na lang itong tumakbo.

Hinabol ni Trisha ang kalaban at tumakbo narin kami para habulin ang kalaban. Dahil sa liit na katawan na meron si Trisha mabilis ang kaniyang takbo at kilos. Pumakanan ang lalaki at sumunod rin si Trisha. "Brianna pumakaliwa ka. Iane go straight. Pupunta ang kalaban natin sa park." sabi ko.

Habang pumunta sila sa direksyon na inuutus ko sinamahan ko si Trisha at pinantayan siya sa pagtakbo sa paghahabol sa lalaki. Mabilis na napatingin siya sa amin at bumunot ng baril. Umalis ang mga tao sa tinatakbuhan namin at napasigaw sila nang pumuntok ang baril ng kalaban.

Lahat nagpapanic na dahil sa ginawa ng lalaking 'yun. Umiiwas rin kami sa tama ng baril. Dahil sa mabilis ang aming mga reflexes ay madali lang sa amin 'to ilagan. "Shit! Madaming mapapahamak nito kapag pinagpaaptuloy niya ang kaniyang ginagawa." sabi ni Trisha.

"Kailangan na natin mag fire back since nalaman na niya kung sino tayo." sabi ko at hinila ang baril ko at pinagtatamaan siya sa kaniyang paa. Dumating narin kami sa park at lahat ng taong nandun ay gulat na umaalis. 'Yung iba ay tumawag muna ng pulis bago tumakbo. Nang nasa gitna na kami ng park doon ko na siya tinamaan sa kaniyang dalawang paa.

Nahulog siya sa kaniyang sariling pagtayo at gumagapang na lang paalis. Dahil sa tama ko sa kaniyang paa hindi na niya kayang tumayo pa. Dumating rin agad si Iane at Brianna at sabay lang kami nito dumating sa park, nakita ko pa nga silang tinutulungan ang mga bata na naiwan ng kanilang mga magulang eh.

Kaya siguro sila natagalan. Hinawakan ni Iane at Brianna sa magkabilang braso ang lalaki at pinaharap sa amin. Lumapit rin kami ni Trisha sa lalaki. "Bitawan niyo ako!" sigaw ng lalaki at pilit na inaalis ang kamay na nakahawak sa kaniya.

Tumingin muna kami sa paligid at tumango. "Umalis na tayo dito. Baka dumating pa ang mga pulis mahirapan pa tayo dito sa gagong 'to." sabi ko at umalis na kami.

Gamit ng koneksyon nabinigay sa akin ni Dad, tinawagan ko ang isa sa mga trust worthy friend ni Dad at nagpahiram ng sasakyan. Pumunta kami sa isang lugar kung saan walang taong pumupunta. Dahil sa nangyari walang masyadong tao sa park kaya madali lang para sa amin umalis na hindi nakikita ang mga nangyayari dito.

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now