Chapter 30

1 0 0
                                    

Third Person P.O.V

Black room. Unconscious girl. Wandering friends. Rising of war. Mystic of unsolved problems...

...That's what happening right now.

In the dark room unknown to some people. Jules' men 'trapped' Sam which can be nowhere to be found by her friends.

Unconscious, letting her to lay down at the bed provided for her.

A small drop of rain then one after another came making it a thick and hard storming rain.

Nagising si Sam dahil sa lakas ng ingay na gawa ng ulan. Unti unti niyang inunat ang mga kamay at nilibot ang paningin. Sa kasamaang palad wala siyang makita kahit na insayo na ang kaniyang mata sa madilim na lugar.

I guess the moon isn't shinning tonight. And a heavy rain occurred too...just great.

Umalis siya sa higaan at dahan dahan na nilibut ang buong silid kung saan siya para hanapin ang switch sa ilaw.

Ilang minuto ang dumaan at nahanap niya yung switch kaya pinaandar na niya ang ilaw.

Nung umilaw na ang bigla siyang napapikit dahil sa biglang pagkaliwanag na naganap.

Nilibot niya yung buong silid at tanging cellphone niya lang at sulat ang nahanap niya.

Tinignan niya yung cellphone niya kung may battery pa ba at kung hindi pa lowbat. At sa mabuting palad buhay pa yung cellphone niya.

Binasa niya yung sulat at nagulat siya sa laman nito.

"Ako na ang haharap sa kanila. Alam kung huli ko nang ginawa 'to pero hindi pa naman huli na pwede kitang mapigilan. Sinabi ko na ito kay mommy at pumayag siya. Hindi ko pa alam kung papayag ba si daddy pero ginagawan na ni mommy ng paraan para pumayag siya.

Hindi mo na kailangan ang mahirapan ulit. Ako na ang sasalo sa mga paghihirap mo. Ang kailangan mo na lang gawin ay umupo diyan, magpakabait at hintayin akong bumalik para sunduin ka. Nasa isang pribadong lugar ka kung saan malayo sa gulo.

Kahit sina mommy at daddy walang alam diyan. Ako lang at ang mga katulong which is sina Ryan, Bennidict, Alexa, Rian at ang iba pa. Dead spot rin ang lugar diyan. Swerte mo na lang kung makahagilap ka ng signal.

Sige na. Okay narin yata ang haba nito. Basta tandaan mo, kung mala alis ka naman diyan. Walang tutulong sayo at hindi karin makakatawag kay Iane para tulungan ka. Hantayin mo na lang ko para sunduin kita.

Love kuya." basa ni Sam sa sulat na iniwan ng kuya niya.

"Bullshit! Ano 'to?! Siya ang papatol sa Akuma?! Tsaka narin sa mga organizations na mga 'yun?! Bakit...bakit ngayon niya lang sinabi?! Bakit ngayon lang siya gumawa ng aksyon?!" galit na tanong niya kahit alam niyang wala naman sasagot sa kaniya.

"Paano...paano na kita ni kuya ang video na laman ng USB kung sisira naman ito kapag nabuksan na?" bulong niyang tanong sa sarili.

May kakilala ba siyang tao na mas magaling pa sa computer kaysa kay Iane?

Posible dahil marami naman na tao na may tsansya na mas magaling pa kaysa kay Iane...pero sino? Isa ba sa mga Secret Supporter?

Wala akong panahon para magisip ng mga bagay bagay na wala namang sasagot sa tanong ko.

Ginawa agad ni Sam ang una niyang naisip. Tignan ang bawat sulok kung may magagamit ba siyang kapakipakinabang. At wala siyang makita na pwede gamitin upang makatakas.

Gawa sa makapal na bato ang pader at makapal na fiberglass naman yung sliding window kaya imposible na sirain gamit lang ng kamay.

At ang pintoan ay gawa sa metal na tanging finger print at eye scanner lang ang tanging makakabukas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now