Chapter 9

9 5 1
                                    

Sam P.O.V

Ngayon na ang araw ng farewell party namin, at dahil last party na namin ito, tinawagan na namin ang buong gang. Sina Tan, Jaycee, at si Lance ay pupunta. Hindi nga lang kami sure kung dadarating talaga si Lance

Matagal narin kasi siyang walang paramdam pero umaasa kami na makakapunta sya. 4:30 a.m. na at malapit na mag five. Lilipat pa ako sa isang bahay namin sa isang subdivision. Hindi pwedeng malaman nina Laisa, Rey, at Glen ang totoong bahay namin, baka mapa ano sila.

"Mommy aalis na ako" sabi ko habang pababa sa hagdan, daladala ang backpack ko.

"Ok, be safe. Uuwi ka before 10 in the evening" sabi ni mommy at tumango ako

Nang nakababa na ako, hinalikan ko sa mommy sa pisngi at tinawag na si Luke na e hatid ako sa isang bahay namin

Dumating na kami sa bahay at umalis na si Luke.

Ilang minuto na ang dumaan at dumating na sila. Exact 5 a.m. huminto ang van sa harapan ko at bumukas ang pintuan.

"Yow, kanina ka pa diyan?" tanong ni Rey

"Hindi naman. Sino ang driver?" tanong ko, habang tinitignan kung sino nga ang nagmamaniho ng van

"Driver nina, Laisa. Oh, pasok na" sabi ni Rey at lumabas muna para makapasok ako.

Nasa passenger seat si, Tan, nasa backseat si Glen kasama si Jaycee, sa likod ng passenger seat ay bakante at sa likod nun ay si Laisa na naka-upo suot-suot ang two piece nya

"Hi" sabi ni Jaycee "okay ka lang, Sam? Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Glen"

"Yeah, I'm okay. E kayo ni Tan, okay na kayo?" pag-iiba ko ng usapan

Umupo na ako at pumasok na si Rey, umupo katabi kay Laisa

"Oh, don't even say her name. Walang ginawa yan matino kundi asarin ako at gumawa ng gulo" sabi ni Jaycee at nakita ko kung paano tumalim ang paningin niyang tinginan si Tan. Tumingin ako kay, Tan at nakita ko siyang umirap at naglagay ng lipstick.

"Anong nangyari at bakit nanging ganyan kayo?" tanong ko

Ikinuwento samin ni Jaycee ang nangyari sa kanila ni Tan habang nasa BCC sila at tumawa na lang kami dahik dun. Kanina pa nakaalis ang van at malayo pa pupuntahan namin.

"Its not funny!" sigaw ni Jaycee "what happened to me is all your fault, Tan"

"Hey, its not my fault that you get prank" depensa ni Tan

"Yes, it is. You lured me there. I can't believe your one with them" sabi ni Jaycee.

Tumigil na ako sa pagtawa at pinigilan na silang mag away pa "okay, guys that's enough. I think this is enough already. Look at Jaycee, he looks like a tomato" sabi ko. Lahat ay tumingin sa kanya except sa driver.

"Don't look at me" sabi ni Jaycee at tinakpan ang mukha nya ng damit nya.

Matagal rin kaming  nasa loob ng van at hindi pa namin narating ang Arnie's fun Resort. Tumigil narin kaming pagtawanan si Jaycee, baka magtampo yun at magtanim pa ng galit samin. Minsan nagiging baliw yun, hindi namin malaman ang takbo ng isip nya.

"Boring" sambit ni Tan at nilagyan ulit ng powder ang mukha nya

"Bakit hindi natin gawing practice make-up yang mukha mo. Ang kapal kapal ng make-up, mukha ka ng clown yan" sabi ni Jaycee

"Eh paki mo, mukha mo ba ito, diba hindi naman. Mukha ko naman ang nilalagyan ng make-up ah" sabi ni Tan at hinarap si Jaycee

"Hindi ko nga yun mukha, pero, dapat bang oras-oras ang pagmemake-up mo" sabi ni Jaycee.

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now