Chapter 15

7 4 1
                                    

Sam P.O.V

Tapos na ang naging three days vacation namin. Ang ginawa lang naman namin sa buong tatlong araw na bakasyon ay pabalik balik lang kami sa Sexy Only Bar sa lahat ng branch nito. Sa all out man 'yan o sa boy to boy or sa girl to girl niyang bar. Nakalimutan ko nga lang ang name nila.

Nakausap ko rin si mommy at niloko niya lang pala ako. Hindi kasama sa pagtulong kay daddy ang ginawa namin. Para lang raw 'yun na mapa-oo kami at mag relax. Pero ang naging ending ay sumakit ang lalamunan namin dahil buong gabi lang kaming kanta ng kanta.

Na-ready ko na rin ang kakailangan ko papunta sa San Francisco para sa magiging bago naming mission. Nasa labas ulit ako at hinihintay ang mga kasamahan ko.

Inaya narin sila ni daddy na dito na magpahinga pero tinanggihan nila ito. Ang awkward raw at hindi rin sila sanay sa pabagong tinitirahan kaya hindi sila pumayag.

Naging ito narin ang routine ko. Hihintayin ko sila sa labas bago ako pumasok sa office ni sir Francis at sabay kaming magrereport at sumabak sa bagong mission.

Dumating narin ang mga sasakyan na ginagamit nila. Lumabas silang tatlo sa kanilang sariling tagapag sundo na sasakyan. Pumasok na kami at nagtungo sa office ni sir Francis.

"Good morning. Since all of you are here now, though you're 5 seconds late." sabi ni, dad.

"Sorry, sir. There was another tail following us. We would be here 5 minutes earlier if wasn't because of them." pagrarason ni Brianna.

"No worries, now on to business. As you all know, there's a tail forming behind us. And I want it destroyed, clean, eliminate, disappear. Completely. You ride after packing some clothes good for three weeks. Now. Go!"

"Yes, sir!" sabi naming lahat at dali dali kaming lumabas at pumunta sa silid ko.

Binilisan ko rin ang pagimpake ko at pumunta agad sa sasakyan kong Bugatti Centodieci sila naman ni Iane, Trisha ay pumasok sa backseat ng sasakyan ko at nasa shotgun si Brianna katabi ko. Minaneho ko agad ito ng mabilis para mapabilis ang trip namin.

Inuna kong pinuntahan ay yung apartment ni Iane dahil mas malapit 'yun sa mansion. Lumabas agad ito at ilang minuto lang ay bumalik agad kasama ang dalawang malalaking bag at inilagay iyon sa compartment kasama ang mga damit ko.

Ang sunod naman ay si Trisha at sa huli ay si Brianna at nagtungo agad kami sa airport nina Glen at pumasok sa private jet namin. One seat every corner kaya hindi kami magkatabing umupo. Inilagay ko ang mga bagahi katabi ko at inilabas ang phone.

Dahil mahaba haba pa ang biyahe ay inilabas at binuksan ang phone ko at pumunta agad sa messenger. Naka airplane mode naman ito kaya okay lang. Nung nadnun pa lang ako sa bahay ay may minessage sa akin si Laisa.

Laisa the mom:

"Sam nabalitaan mo ba? Patay na si Lara!"

The fuck! Patay na si Lara! Sino naman ang papatay sa kaniya? Kahit masama ang ugali ng babaeng 'yun at may karamdamang bitch-syndrome na super malala na, wala naman akong maisip na may papatay sa kaniya. Maliban na lang kung hinoldap siya.

Binasa ko pa ang mga ibang mensahi na sinend sa akin ni Laisa.

"Nakita raw siya na dugoan at bogbog sirado ang kaniyang katawan. Lahat ng parte ng kaniyang katawan ay may pasa. At in-examine ang kaniyang katawan. May nakita silang sperm cell sa kaniyang 'kweba' hahaha (ang sama ko🤧) at may saksak siya sa tagiliran. Mukhang na rape siya or nag sleep in bago siya pinatay.

"Ayun sa mga eksperto halos dalawang araw na siyang patay. At nasa bakanteng lote ang kaniyang katawan na nakita ng isang bata. Malapit sa bar na pinagtrabahoan nina Glen at Rey. Mabuti na lang talaga na umalis na sila dun pagka graduate natin noh

"Oh sha, sinabi ko lang 'to sa 'yo kasi baka nag-alala ka sa bruhang 'yun. (ang bad ko talaga! Kahit patay na minumura ko parin.) Bye 😘😘😘"

At dun na natapos ang mensahi na sinend sa akin ni Laisa. May sinend rin siyang picture na si Lara na nakahandusay sa lupa at sirang sira na ang kaniyang damit. Tuyo narin ang dugo sa kaniyang katawan at dumidikit ang mga dumi sa kaniyang katawan. At ang mga pasa ay makikita mo parin kahit ganun na ka tagal siyang patay.

Sa kaniyang lagay, hindi mo maisip o makilala na si Lara ang nasa larawan na sinend sa akin ni Laisa. Hindi ko ma imagine kung sinong tao ang pumatay sa kaniya. Oo. Alam kong masamang tao si Lara, siya ang nagpahirap sa amin mula't sapul at hindi kami nito tinigilan after nung na graduate na kami.

Kung sino man ang gumawa dito sa kaniya, sigurong may ginawa siya sa taong ito na naisipan niyang patayin si Lara.

"You okay, Sam?" tumingin ako kay, Trisha na nasa kabilang side ng jet sa kanan ko. "You looking at your phone disgustingly with a sadness mixed in it. What is it?"

"Ah, nothing. May sinend lang na picture ang dati kong classmate sa akin. Naawa lang ako sa batang namatay sa murang idad. Isang loop video yata. Hindi ko alam, ano ba ang tawag sa isang video na sinesend sa iba kasi sabi nila curse ito or lucky?" pagiiba ko ng usapan para maiwasan akong tanongin tungkol dito.

"Let me see, so I can tell you." sabi ni Iane na inilahad ang kaniyang kamay sa akin.

"No need. Hindi ko naman kailangan. Thanks sa alok mo by the way." sabi ko at pinasok ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko.

Tinignan lang nila ako at tumingin ulit sa kanilang mga bintana at tumitingin sa mga ulap na nilalagpasan lang namin.

Ilang oras na dumaan na puro katahimikan ang namoo at sinabi narin ng piloto na malapit na kaming lumanding.

Niready narin namin ang mga bagahi na kakailangan namin at umupo at nung lumapag na ang jet tumayo kami agad at dinala ang mga bagahi at binuksan ang pintoan ng jet at nagtungo sa sasakyan na naghihintay para sa 'min.

May driver narin at may naka upo sa shot gun kaya nasa backseat kaming apat. Hindi parin maalis sa isipan ko ang tungkol sa nangyari kay, Lara na sinabi sa akin ni Laisa.

Sino kaya ang pumatay?

"Sam?"

Bumalik ako sa reyalidad ng may bumanggit sa pangalan ko. "Yes?"

"Your spacing out. Bakit? Anong ngyari?" tanong ni Iane at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang kakaiba niyang mga mata. Kahit ganun, parang mahuhulog ako sa walang hangganang butas na hindi malamanlaman kung kailan ka babagsak.

Inalis ko ang titig ko kay, Iane at tinignan ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin. "Uhm, medyo hindi lang ako okay ngayon. Pero bukas okay na ako." sabi ko at ngumiti.

"Sure ka?" tanong ni Trisha at tumango ako.

"Baka dahil lang 'yan sa matagal na biyahe natin. Philippines pa naman papunta sa San Francisco." sabi ni Brianna.

"Yeah, maybe." sabi ko na tinatanggap ang rason ni Brianna kung bakit nagiging ganito ako. Ngumiti ako ng napaka matamis at tinignan ang mga gusaling nakikita namin.

Ang ganda. Paanong may isang Mafia boss na high rank dito na ganito ka payapa na lugar?

Hinawakan nilang tatlo ang kamay ko kaya napatingin ako dito at tinignan sila. Ngumiti ako ulit at hinigpitan ang hawak ko sa kanila.

What could we experience in this heaven but also a hellish place?

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now