Chapter 4

14 7 0
                                    

Sam P.O.V

Nandito kami ngayon sa pinagtrabahoan namin ni Laisa at YES nakapasok kami. Sa simula nakaramdam kami ng takot baka masayang ang time namin papunta dito pero natanggap kami at worth it yung experience.

"Hello, welcome to Renzel Empig restaurant. What do you want to order ma'am?" sabi ko, ito yung name ng restaurant na pagtatrabahoan namin.

"I want a slice of your rainbow cake and some if your best beverage" sabi nang babae na nasa late thirties siguro.

"Two hundred and twenty-five ma'am" ibinigay niya sa akin ang pera at binigyan ko siya ng twenty-five dahil two hundred fifty yung ibinigay niya sa 'kin.

"Thank you, next" sabi ko. Kukunin ko na sana yung order ng lalaki pero sabi ni Daisy break ko na raw kaya nag pahinga muna ako at pumasok sa room namin na for staff only. Nakita ko si Laisa duon na nagpapahinga.

"Hays, nakakapagod noh, at may pasok pa tayo bukas." sabi ni Laisa, at oo huling araw na namin ito.

"Oo nga eh, nakaka-stress. Mabuti naman na pumayag si ma'am na magtrabaho tayo tuwing Sunday at Thursday" sabi ko.

"Oo nga kaso parang wala narin tayong time para sa boys. Baka nag- tampo na ang mga yon"

"Siguro nga,...may plano ako" pumunta ako sa tabi niya at sinabi ang plano.

"Okay ako dyan, kaso, baka umalis na naman sila" sabi ni Laisa

"Oo nga noh, palagi na lang sila umaalis tuwing gabi, iyon ba yung trabaho nila, night time job?" tanong ko.

"I dunno, pero ako na bahala sa boys, ikaw bahala sa plano natin."

"Sure, G ako dyan"
——————————————————
Gabi na at kanina pa natapos yung trabaho namin. Hinahanda ko na yung surprise double date namin sa field. Pinayagan naman kami ng dean dito pero dapat raw maliit lang ang ma- consume ng electricity na gagamitin ko.

Tinawagan ko na si Laisa kung pumayag ba ang boys na ma stay muna sila dito at samahan kami ng sandali.

"[Sam, parang mahihirapan talaga ako. Ayaw talaga nila eh, kahit ma- late sila ng kaunti sa kanilang work ayaw nila]" sabi ni Laisa sa kabilang linya.

"Nagawa mo na ba ang lahat?'

"[Oo, nagpa-loving pa nga ako kay Rey pero no effect eh. Ginamit ko na ang full seductive self ko pero wala. Naka- ka-panibago nga eh]"

"Teka lang. Tinanong mo ba kung ano ang trabaho nila?"

"[Oo, tinanong ko na pero hindi nila sinabi sa akin. Kinakampihan pa ni Glen si Rey na midnight shift raw ng callcenter ang trabaho nila na hindi naman totoo o halata sa mga pinag- gagawa nila tuwing gabi]" nakaka- panibago nga.

"O sige, pupunta na ako dyan. Nasa dorm paba kayo ng boys?" tanong ko.

"[Oo, hindi pa sila umaalis dahil umiiyak raw si Andrew kaya pinapa- tahan ni Rey]"

"Good, hintayin mo ako dyan, pupunta ako at ako ang magtatanong kay Glen kung anong klase na trabaho ang pinasukan nila" sabi ko at umalis na

"[Okay]" sabi niya at ibinaba ko na yung telepono

Third Person P.O.V

Tumakbo papunta sa dorm ng boys si Sam at hinihingal siya ng nakarating sa kanyang patutunguhan

"O Sam ba't ka tumatakbo? Alam mo naman na may asthma ka diba" sabi ni Glen sa kanya, nagtataka siya kung bakit hindi sya tinawag ni Glen ng "Meh" pero binabalewala lang yun ni Sam

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now