Chapter 22

12 4 1
                                    

Sam P.O.V

As we eat our meal that we ordered at Elaisa's restaurant. We manage to bump to one of my friends.

"Hoy, Rey. Kamusta na? Tagal nating hindi nagkita ah. Malapit na maging one year ang paghiwahiwalay natin." sabi ko ng makita ko si Rey pasan pasan ang inaanak ko na si Andrew.

Malaki na ngayon si Andrew, hindi kagaya dati na alam lang maglakad at magsabi ng mama at papa. Ngayon ay malaki na at marunong ng magbasa at magsulat.

"Okay naman, ito. Dinadala 'yung responsibilad ko bilang ama ng anak namin ni Laisa. Ikaw? Kamusta ka na? Mula nong nangyari ang insedente na 'yun parang nawala ka. Nalaman ko mula kay Laisa na naguusap kayo. Sinabi niya sa 'yo na patay na si Lara diba." sabi ni Rey sa 'kin.

"Yeah. Sinabi niya sa 'kin. At least okay kayo ng magina at anak mo. Kailan ba ang kasal.  Akala ko maaga ang magiging kasal niyo. Hindi pala." sabi ko at sumipsip ng ice tea ko.

"Well, since nagaaral pa si Elaisa. Hindi muna kami magpapakasal. Sila naman ni mommy at daddy ang bahala sa preparation eh. Maghintay nalang kami raw." sabi nito at pinakain si Andrew ng kaniyang dalang biscuit.

"Kailan ang kasal?"

"Next year. December sa birthday mismo ng anak ko para special at iisa narin ang gastos. Para matipid narin." sabi nito at pinunasan ang nagkalat na biscuit sa damit.

"May trabaho kana?"

"Yeah. Isa na ako ngayon sa mga junior ni kuya sa pulis. Malaki rin ang sahod." sabi nito at binaba si Andrew at umupo sa tabi ko. "Mga kaibigan mo?"

"Yeah. Sila si Trisha, Brianna, at Iane. Mga kaibigan ko. Guys, meet Reylord, kaibigan ko siya simula highschool hanggang college." pagpapakilala ko sa kanila at nagsi 'hi' rin ang mga ito.

"Hi. Saan mo sila nakilala, Sam? May trabaho kana ba?"

Napagplanohan na namin 'to, para maging kapakapaniwala iisa lang ang aming istorya kung paano kami nagkakiala. "Ah, nakilala ko sila nung sumama ako kay daddy para magmeet sa mga investors namin. At tamang tama naman na dinala rin ng mga investors ni daddy ang mga anak nila. Dun kami nagkakilala." pagsisinungaling ko sa kaniya.

"Ahh, 'yan pala. Ay! May sasabihin pala ako sa 'yo."

"Ano 'yun?"

"Tungkol kay Glen."

"Anong tungkol sa kaniya?" hindi dahil sa dahilan na may nararamdaman pa ako sa kaniya, kundi dahil sa pagtataka kung bakit sa aming magkakaibigan si Glen lang ang nawalan ko ng komonikasyon. Lahat ng mga kaibigan ko ay may nakabantay na bwardya. Dahil sa insidente na nangyari noon. Hindi ako makapakali tungkol sa mga seguridad nila.

Lalo na 't alam na alam ko at kilala ko ang mga sumogod sa 'min. Hindi mga Akuma ang mga taong sumogod kundi mga FBI at ang mga pribadong organisasyon. Alam na nila ang tungkol sa 'min. It's only a matter of time to tell that they will launch at attack at us.

Since ang Akuma ang number one raking in the mafia world, at hindi ito mahuli huli ng sino mang organisayon ang pinunu nito. Hindi sinusubukan ng mga pribadong organisasyon na atakihin lang ng basta basta ang mafia dahil sa Akuma

In all. May positive at negative deal ang Akuma para sa amin lahat.

Ang hindi ko lang malaman, ay kung paano na laman ng mga ito kung saan kami magpaparty. Hindi naman ganun kalaki ang resort na pinuntahan namin. At hindi rin ka  suspicious ang resort na 'yun. So paano nila nalaman na nandun kami sa ganung exact time?

"Parang nagbago siya — hindi. Nagbago talaga siya. Sobra!"

Huh?

"Anonh ibig mong sabihin na nagbago?" nagsitinginan kaming magkakaibigan at tumingin ulit kay Rey.

"Uhm, puwede bang umalis muna ang kaibigan mo? Hindi naman sila kasi kasama dito sa usapan na 'to." tumango ako sa sinabi ni Rey at sinabihan ko na silang umalis na.

"So? Anong nagbago sa kaniya?"

"Hindi ko alam ang dahil pero nagbago talaga siya. Sa tingin mo dahil ito sa break up niyo? Mahirap rin kasing sabihin na dahil ito sa nangyari sa inyo, since may bago na siya."

May bago na siya? Kung may bago na siyang kasintahan, hindi magiging dahilan ang matinding pagbabago sa kaniya. Wait! Hindi ko pa alam kung ano ang nagbago sa kaniya. Baka hindi ganun ka laki ang pagbabago.

"Nag simula ito ng ilang araw ng nangyari ang insidente. Nung una nagkita kita pa kami, naguusap at nagtatanawan, pero nang ilang araw ang lumipas dumating ang mga pagbabago na sinabi ko sa 'yo. Paano ko ba sasabihin sa 'yo ang nakita namin? Para hindi siya si Glen.

"Kapag bumabalik dito si Elaisa gumagala kami. Kasama si Andrew sa 'min since sa mga panahon na 'yun sabi ng mommy busy ka raw sa mga papeles na pinapatulong ni daddy mo sa 'yo kaya hindi ka makakasama."

Ito siguro ang araw kung saan nagsasanay ako.

"Hindi na siya sumasama sa amin. Pati narin ang mga magulang niya ay nahahalata na ang mga pagbabago sa kaniya. Para siyang sinapian ng kung ano mang ispirito. Pagkatapos nun ilang araw buwan ang nagdaan nabalitaan naming patay na si Lara.

"At doon pa mas lalong naging weird ang mga pangyayari. Ilang araw ang lumipas nung nabalitaan naming patay na si Lara, may bagong kasintahan si Glen. Ang pangalan niya ay si Thresia Ann Sullivan. Okay rin naman siya, masaya nga si Glen dahil sa kaniya eh.

"Pero hindi parin maalis sa isip namin ang mga pagbabago kay Glen. Nung una, parang bumalik siya sa kaniyang dating gawi, pero naging saglit lang 'yun. Bumalik rin siya sa kaniyang pagababagong gawi. Naging mas weird pa siya nang dumating si Thresia. Kaya ewan na lang namin kung ano pa ang dahilan niya sa kaniyang pagbabago." kwento niya sa akin.

Oo nga. Pero hindi naman siguro dahil sa bagong babae ni Glen kaya siya nagkakaganun. Baka may iba lang siyang dahilan.

Kahit labag sa loob ko, dahil sa dahilan na naging kasintahan ko siya at kaibigan. Ipapaimbistigahan ko siya.

"Ano sa tingin mo, Sam ang dahilan?"

"Siguro nagbibinata lang siya." sabi ko at tumawa. Kailangan ma iba ko ang usapan na 'to."

Tumawa rin si Rey. "Oo nga. Baka nagbibinata lang siya."

Ilang kuwentohan rin ang lumipas at sumama na si Trisha, Brianna, at Iane sa amin bago kami umalis. Inaya ako ni Rey para sa kanilang wedding at sinabihan na nila raw ni tita at ni tito na ako isa sa mga magiging bridesmaids ni Elaisa at si Tan ang isa dun at mga pinsan niya. At ang best man naman eh si Glen at sa groomsmen eh si Jaycee at yung mga pinsan ni Rey.

"Sa tingin mo, Sam. May kinalaman dito ang kaibigan mong si Glen?" tanong ni Trisha.

"Hindi ko pa alam pero ipapaibestigahan ko siya kay Nathaniel." lumalakad na kami ngayon papunta sa sasakyan ko para umuwi. Hindi na kailangan ito malaman ni dad pa. Ako ang bahala sa problema naming magkakaibigan.

"Don't worry. Hindi ka magiisa dito. Kasama mo kami." sabi ni Iane.

"Tutulong kami sa pagiibestiga sa kaibigan mo. Kung papayag ka?" sabi ni Brianna.

"Salamat, pero. Ako na ang bahala dito." ngumiti sila sa akin at tumango na lang.

Pumasok na kami sa sasakyan ko at umalis na papuntang bahay.

I will dig deep on what is happening right now.

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now