Chapter 12

10 4 6
                                    

Sam P.O.V

"Iane go search if someone is on cam." utos ko kay Iane habang naghihintay kami sa labas ng building kung saan nakatago ang tablet. Ilang segundo rin ang lumipas bago ang lahat ng CCTV ay namatay.

"Okay na. Pero hindi ko ma-hack ang electrical fences nila. I need my laptop to do it." sabi ni Iane at tinago na ulit ang cellphone niya.

Tumango ako. "Trisha. You sneak it and turn off the electrical fences. Kung may problema patolugin mo na ng habang buhay" tumango siya at mabilis siyang pumasok na walang ingay. May narinig kaming ungol galing sa loob at maya maya lang ay bumukas na ang pintoan.

"Come on."

Dahil sa liit ni Trisha hindi talaga siya makikita lalo na pag gabi. Hindi ko pa nakita sa action ang mga babaeng to kaya hindi muna ako makikipaglapit sa kanila ng ganun ganun lang.

Isang mahaba na daanan ang nilalakad namin. Tanging mga yapak lang ang naririnig namin dahil nakakabingi rin kung sobrang tahimik.

May lumabas na isang lalaki sa isang sulok at mabilis na tinamaan ng bala sa ulo ni Brianna. Isang head shot ang nagawa niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad at bumungad sa amin ang isang makapal at malaki na steel door.

"I'll handle this." sabi ni Iane at nilagyan ng isang magnet ang doble steel door at mabilis na nagta-type si Iane sa phone niya. May lumabas na maraming kalalakihan at pumapalibot ito sa amin. "I need more time. Three minutes top."

"I give half of your time." sabi ko at sinugod ko sila gamit ng dalawa kong katana. Mabilis kong inilagan ang mga balang lumalabas sa baril nila. I quickly slice their heads and it just fall down. Marami ring dugo na tumatalsik sa puting pader. Mustilang naging pintura ang kanilang dugo sa punting pader.

Tumutulong rin si Trisha. Nagtatapon siya ng mga shuriken sa mga binata at tumatama ito sa kanilang mga ulo. May maliit rin siyang dagger at tumulong sa akin sa pagpatay sa mga kalaban.

Pati na rin si Brianna, walang tigil sa pagbabaril sa mga kalaban na hindi rin maubos ubos dahil kapag namamatay ay may dumadating ring bago kapalit sa mga namatay.

Mukhang narinig nila ang pagdating namin.

"Not to say that you would hurry but... I think its time to fucking blow that door already!" sigaw na sabi ni Brianna na hindi inaalis ang titig sa mga kalaban namin.

Walang tigil sa pagtigil ng buhay nila ang gawa ko. Yung isa na lumapit sa akin ay sinaksak ko yung isang katana ko sa dibdib niya ang isa naman ay pinutol ko ang ulo niya. Sinaksak ko rin sa dibdib ang nasa likod kung kalaban.

Wala rin tigil sa pag patay si Trisha. Halos hindi siya makita ng mga kalaban niya, hanggang titig na lang sila at hindi nila magawang barilin kami. Kung kaya nilang lagpasan ang pagtitig sa amin hanggang tutuk lang sila ng mga baril nila dahil mabilis na pinagbabaril ni Brianna ang mga malalayong kalaban namin.

"Maghintay ka! Hindi madaling mang hack gamit ang cellphone lang. Kung nadala ko ang laptop ko ilang segundo lang sana 'to!" sigaw ni Iane pabalik sa amin. "Malapit na!"

Napaatras rin kami ni Trisha nang sinabi ni Iane na malapit na niyang mabuksan. Dumadami rin ang kalaban namin, nang makalapit na kami kay Brianna kinuha ko ang baril ko at pinagbabaril na sila. Si Trisha ay pinagtatapon niya ulit ang mga shuriken niya.

"Pasok! Bilis!" mabilis kaming pumasok sa doble steal door at mabilis rin namin itong isinira.

"Paano na tayo makalalabas. E parang kinulong lang natin ang sarili natin dito." sabi ni Trisha at hahakbang pa sana siya pero pinigilan ko siya.

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now