Chapter 29

1 0 0
                                    

Sam P.O.V

"What!" sigaw ko.

"Alam kung nagaalala ka. Pero napagusapan na namin 'to. At disido na nga siya makatapat ulit si Adrian. At hindi na siya aatras." sabi ni daddy at mukhang totoo nga ang mga sinasabi niya kung paano ang mukha niya magpakita na seryoso ito.

Umatras ako, dahan dahang umaatras habang ang kamay ko ay nasa itaas ng ulo kung nakapatong iniisip kung bakit niya ito ginawa. Mabilis akong tumalikod at umalis sa kaniyang silid.

Pumasok ako sa kung saan ako unang lumabas at nakita ko silang masayang nagkwekwentohan.

"O, Sam? Bakit ganyan ang itchura mo?"

"Anong ngyari?"

"May mali bang nangyari sa misyon natin?"

"O may inataki nang building na may koneksyon sa inyo ang Akuma?"

Tanong nila nung nakita nila akong ganito.

"Hindi. Yung kuya ko..." sabi ko habang pinipigilan ang mga luhang lumabas.

"Ano ngyari kay sir. Jules?"

"Siya na raw ang susugod sa Akuma." sabi ko at nagsitayoan sila at niyakap ako.

"Pero...diba nagkasunduan na kayo ng kuya mo?"

"Oo nga. Sabi mo pa hindi na siya sasama sa pagaataki sa Akuma dahil...na trauma siya."

"Oo nga, 'yan din ang iniisip ko kung bakit niya ito ginawa ngayon. Posible na nagkalakas loob siya pero hindi parin eh." pina upo nila muna ako at dun dinamayan sa problema.

"Bakit naman hindi? Normal lang sa isang tao na makakuha ng lakas na loob dahil sa kanilang minamahal." sabi ni Trisha.

"Oo. Normal nga. Pero iba 'yung kuya ko."

"Paano naging iba si sir. Jules sa mga normal na tao?" tanong ni Iane.

"Kasi...mababa yung will power nun eh. Kahit palakasin mo pa ang loob niya hindi magbabago kung ano'ng unang pumasok sa utak niya. Maliban nalang..."

"Maliban nalang kung ano, Sam?" tanong ni Brianna.

"Maliban na lang kung may nagpaudlok sa kaniya, pinagbantaan siya, o may nakitang something na nagpagalit sa kaniya at naisipan niyang gawin iyun." sabi ko habang iniisip kung ano nga ang totoong rason.

"Sino naman ang mag babanta kay sir. Jules?"

"Oh kung sino ang nagpagalit sa kaniya?"

"Diba break na sila ng girlfriend niya?"

"Oo." sagot ko sa tanong ni Iane.

"So wala na sa option ang pagbabanta."

"Eh kung ganon. Sino ang nagudlok or nagpagalit sa kaniya?" tanong ni Brianna.

"Ang tanging puwede lang pumasok sa isip ko na puwede magudlok sa kaniya eh ako at yung ex niya so out of the option rin 'yun" sabi ko.

"Kung out of the option na ang dalawa ibigsabihin may nagpagalit sa kaniya. Pero sino naman?"

"Ewan ko." nagisip ako ng mabuti kung sino ang puwede makapag galit sa kaniya at pumasok sa isipan ko ang ibinigay ng Akuma sa akin.

"Alis muna ako."

"Teka. Naisip mo na kung sino ang nakapag galit kay sir. Jules mo?"

"Oo. Alis muna ako." tumayo na ako at lumabas. Pumunta ako sa silid ko at nilock yung pintoan sinirado yung mga bintana at tinabunan ang mga iyon ng kurtina.

My Secret Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now