A/N: I suggest sa mga hindi pa nakakabasa ng Series #1 nito ay magbasa muna kayo para hindi kayo maguluhan sa mga nangyayari. Na-miss ko rin ang kakulitan ni Sapphire!***
Elainne Sapphire's POV
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pangangalay habang nakahiga sa malambot na kama. Nakapikit na tinakpan ko ang ilong dahil hindi ko gusto ang bango ng hinihigaan ko, last time I check ay strawberry scent ang bango ng kama ko bakit parang naging downy 'to?
Napamulat ako ng may ma-realize! Putangina! Hindi ko kwarto 'to!
Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at ginala ng tingin ang kwartong kinaroroonan ko.
Ilang araw ba akong tulog at hindi ko alam na kinid-nap pala ako?
Teka---si Lawa?! Anak ka ng! 'Wag niyang sabihin na iniwan niya ako at hinayaang kunin ng mga kumid-nap sa'kin.
Mabilis kong tinignan ang suot kong damit at nanlaki ang mga mata nang makitang hindi ito ang huling naaalala kong suot na damit.
Napakuyom ako ng kamao. Kung sino mang puncho pilato ang ang gumalaw sa'kin habang natutulog ay magdasal na siya dahil talagang wala akong ititirang damit sa kanya at babalatan ko siya ng buhay.
Huli kong pinakiramdaman ang pang-ibabang parte ng katawan at napahinga ng maluwag nang walang maramdamang masakit o kakaiba.
Pero tangina pa rin ng nag-bihis sa'kin habang tulog ako!
Tumayo na ako at nagtungo sa malaking pinto. Hindi gaya ng inaasahan kong sarado ang pinto ay bukas ito. Kung sino mang kumuha sa'kin ay tarantado siya at tanga, maling iwan ang pintong nakabukas at ako pa ang nasa loob.
Naglakad-lakad na ako ng tahimik. Kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta ay wala akong pakialam, basta may makitang pinto palabas ay makakahinga na ako ng maluwag! Tangina lang!
"Gising ka na pala ineng," napatalon ako sa kinatatayuan nang may bigla nalang nagsalita sa likod ko.
Tinignan ko ang nasa likod at nakita ko ang matandang babae na may dalang tray kung saan nilalagay ang mga pagkain.
Nangunot ang noo ko. Hindi ko kasi inaasahan na matanda ang una kong makikita eh. Usually ay mga gago at mukhang adik na mga lalaking manyakis na may dala-dalang mga baril.
"Who are you?" Malamig na tanong ko. Putangina! Kung hindi lang talaga 'to matanda kanina ko pa 'to nilumpo. Nanggugulat eh.
Ngumiti ito kaya nakita ko ang dalawang ngipin nito na natira sa kanyang bibig, isa sa taas at isa sa baba. Napangiwi ako.
"Ako si Milagros, ang mayordoma ng bahay na 'to."
"What I am doing here?"
Hindi ko alam kung natutulog pa ba ang utak ko hanggang ngayon at 'yan talaga ang lumabas sa bibig ko na tanong.
Kung hindi ka ba naman bobo Sapphire ay hindi mo na sana tinanong 'yan! Tangina!
"Siguro ay hindi mo na maalala kung pa'no ka napunta dito. Mag-agahan ka muna ineng oh." Nakangiting sabi pa ng matanda, exposing her only two teeth.
Napangiwi ako. Kanino bang bahay 'to? Tsaka nasa'n ba si Lawa? Gagong 'yon! Mapatunayan ko lang na basta nalang niya akong iniwan ay makakatikim talaga sa'kin 'yon!
Umiling-iling ako, "pasensya na po pero kailangan ko ng umalis. Hindi ko alam kung nasa'n ako at sinong nagdala sa'kin dito."
Napatawa naman ang matanda. Inaano ko 'to? Kakaiba na!
BINABASA MO ANG
365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)
Teen Fiction"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang isa't isa, Halos magkakapareho na pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa, May patutunguhan pa ba an...