Elaine Sapphire's POVKinabukasan ay maagang nag-text sa'kin si Scy at sinabing makikipagkita sila dahil may sasabihin. Tinanong ko naman kung kailan at saan. They give me the time and location. Ang kailangan ko nalang gawin ay ang gumawa ng rason para hindi makapasok.
Nagtalukbong ako ng kumot nang may kumatok sa pinto.
"Sapot! Mali-late na naman tayo! Wake up!" Boses 'yon ni Lawa.
Hindi ako umimik at gumawa lang ng mahihinang ingay. Ingay na parang nasasaktan.
"Sapphire! What's going on with you?"
I groaned again like I'm in pain. Kailangang galingan sa pag-arte para hindi mabulilyaso.
"Tulog pa ba ang batang iyan? Aba, anong oras na ah?" Boses 'yon ni nanay Milagros at mukhang nasa labas lang sila ng pinto nag-uusap.
"I don't know, nay. Get the key and check her inside, I'll call someone. Kung kailangan mong kaladkarin 'yan gawin mo, malapit na kaming ma-late. Fvck! Ang sakit pa rin ng ulo ko!"
"Aba inom ng inom, sasakit talaga ang ulo mong bata ka."
Hindi na ako nakarinig ng usapan at yabag nalang na papaalis. Tinignan ko ang aircon at napangisi nang makitang naka-off ito. Mabuti nalang at talagang mainit dito sa Pilipinas at puwede kong gamitin 'yon sa lagay ko.
Hindi kasi ako sanay na walang aircon kaya pag walang aircon ay mabilis lang akong pagpawisan at bahagyang iinit. Magagamit ko 'yon para magpanggap na may lagnat.
Nagtalukbong ulit ako ng kumot nang makarinig ng yabag. May narinig akong kaluskos sa pinto at ilang minuto pa ay bumukas ito.
"Iha? Bumangon ka na diyan. Huli ka na sa klase mo. Bakit ba nakapatay 'tong aircon sa kwarto mo? Ang init-init–––" Si nanay Milagros 'yon. Nakita ko siyang pa-aandarin sana ang aircon nang magsalita ako gamit ang mahinang tono.
"M-Malamig p-po nay." Parang may sakit na sabi ko.
"Hala! Ano bang nangyayari sa 'yo? May sakit ka ba?" Nataranta ito at kaagad na binaba ang kumot na nakabalot sa katawan ko pero pinigilan ko ito.
"M-Maginaw n-nay. M-Masakit po ang k-katawan ko. A-Ang sakit ng u-ulo ko." Arte ko pa. Sige lang Sapphire, impyerno bagsak mo nito, makita mo!
Madaling sinalat ni nanay ang noo ko. "Medyo mainit ka nga. Okay ka lang ba?"
Ngumiti ako ng tipid, exposing how tired and in pain I am. "H-Hindi na muna ako p-papasok n-nay. S-Sabihin niyo nalang p-po kay B-Blake."
Mabilis naman itong tumango at tinaas ulit ang kumot papunta sa balikat ko.
"Sasabihin ko kay Edward ang tungkol riyan. Dito ka lang, iha, kukuha lang ako ng mainit na tubig at palanggana para mapunasan kita at humupa 'yang lagnat mo."
Nang makarinig ako ng pagsara ng pinto ay kaagad akong napabangon. Kagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang makaramdam ng pagka-guilty.
Sa buhay ko mula noon hanggang ngayon, naging simple nalang sa'kin ang magsinungaling. Lalo na at nasa-under cover ako. Ang magsinungaling ay parang parte na ng buhay ko.
Pero ngayon, nagi-guilty ako dahil lang sa simpleng pagsisinungaling. Tangina! Hindi naman ako ganito dati ah! Wala pang isang buwan na nandito ako parang napalapit na ako sa mga taong nandito! Hindi pu-puwede 'to!
Umiling nalang ako at nagtalukbong ulit ng kumot. True to what nanay Milagros said, she told Blake about my situation. Sinabi naman ng loko na dito nalang muna ako at siya nalang ang papasok.
BINABASA MO ANG
365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)
Teen Fiction"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang isa't isa, Halos magkakapareho na pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa, May patutunguhan pa ba an...