Chapter 2

223 3 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

Si Lawa, sinungaling. Sinabi niyang babalik siya sa tanghali at dito na mangahalian ay hindi nangyari. Basta nalang tumawag ang loko at sinabing hindi siya makakauwi. Akala ko mapupuruhan ko na ang gagong 'yon dahil sa ginawa niya kahapon pero hindi ko man lang siya naabutan.

Ngayon, pababa na ako ng hagdan at patungong kusina nang marinig ko ang boses ni Lawa. Mabilis akong naglakad papunta do'n at nakita ko nga siya, parang hari na umuutos sa mga katulong niyam. Tch.

"Kumain ka na Sapot. I still have things to discuss on you after breakfast." Walang tingin-tingin na sabi nito sa'kin na para bang alam na nito na nandito na ako.

Umirap ako sa hangin at nagbigay ng ngiti kay nanay Milagros na iginiya naman ako sa uupuan ko, sa gilid ni Lawa. Para siyang Padre de pamilya at ako naman ang anak niya, not bad.

"Makapag-utos, katulong mo 'ko?" Asar na sabi ko dito.

Tininapunan naman ako nito ng tingin. "Kung katulong kita hindi ka sana nakikisabay ng pagkain ko."

Iningusan ko siya, naaasar sa tinugon niya. "Bisita ako, hindi katulong. Gagong 'to."

Isang ngisi lang ang sinagot niya at nagpatuloy sa pagkain. Nagsimula naman akong kumain at pakikiramdam sa paligid. Blake is just a normal boy but has a dashing look and authority. Matagal ko naman na 'tong napansin kay Lawa, ayoko lang sabihin dahil lalaki na naman ang ulo niya.

"Saan ka pala galing kahapon? May atraso ka pa sa'kin. " Basag ko sa katahimikan. Umalis muna sila nanay Milagros at ilang katulong kaya kami nalang ni Lawa ang naiwan sa mesa.

Nang tignan ko si Lawa ay may nakaguhit ng ngisi sa mga labi niya, pinandilatan ko naman siya. Problema ng isang 'to? Ngisi ng ngisi, nauulol na ata eh.

"Umayos ka nga!" Nauubusan ng pasensyang turan ko. Gago din eh. Tinatanong ng maayos, sasagot ng ngisi.

Tuluyan na itong natawa nang makita ang pagkainis sa mukha ko. Mas lalo naman akong nainis do'n.

Bakit hindi pa ako nasanay na ganito naman talaga ang lalaking 'to? Hilig mang-asar at sarap bugbugin. Pramis!

"Siraulo!" Singhal ko dito nang magpatuloy ito sa kakatawa. Wala namang nakakatawa ah?

Nang humupa ang pagka-abnoy niya ay saka lang siya nagsalita. 'Buti naman, akala ko naalog na utak kakatawa eh.

"Ano na?"

"I enrolled the two of us in LIS."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Saan naman 'yon?"

Umikot ang mga mata nito na para bang sinasabi na ang tanga-tanga ko at ang bagal kong ma-gets ang sinasabi niya. Sensya naman, hindi parehas ng utak eh.

"Magpapatuloy pa rin tayo ng pag-aaral. I already transferred your papers and mine to the school. Monday will be our start."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko naman aakalain na papasok pa kami. Pero hindi na rin masama, para magkaroon naman kami ng pagkakaabalahan.

"Gano'n? Nagawa mo 'yon ng gano'n kadali?"

Ngumisi ito, ngising nagmamalaki. "Wala pa 'yon sa kaya kong gawin, Sapot. Jethro may be the rule maker but I am the authority on my own. I may be break rules but I have my ways on destroying and making something."

Sa lahat ng sinabi niya ay irap lang ang ginanti ko. "Hindi ko naman tinatanong. Maging humble ka nga minsan? Puwede?"

Dahil sa sinabi ko ay sinamaan ako nito ng tingin. Oh ngayong napahiya siya ako pagbabalingan niya? Aba'y gago din!

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon