Chapter 19

146 2 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

Tatlong araw na rin ang nagdaan simula nang malaman ko ang tungkol sa lugar na 'yon. Sabi naman nila Jay na 'wag ko munang pakielaman ang tungkol sa bagay na 'yon dahil mag-iimbestiga na rin sila sa LIS. Na-ipasa na rin ni Scy ang tungkol sa case na 'yon kaya hindi malabong maging misyon namin ang tungkol sa bagay na 'yon.

Ngayon, ang kailangan ko nalang paghandaan ay ang mga test na ibibigay sa'min ng Flúmé which is mangyayari ngayong weekend. Hindi naman ako kinakabahan, pero pakiramdam ko parang may mali eh. Haish! Basta! May mali akong nararamdaman tungkol sa pagsali ko sa grupo na 'to.

Ngayon, kasama ko si Intel at sabay daw kaming kakain ng pananghalian. Hindi na rin ako tumanggi at nagpaubaya nalang. May kailangan nga rin pala ako sa isang 'to.

"Intel, ikaw na maghanap ng table, ako na oorder." Utos ko kay Intel nang makapasok kami sa cafeteria.

At dahil likas na mayabang, "bakit? Alam mo ba ang gusto kong pagkain? Tayo ng dalawa oorder tapos maya na tayo maghahanap ng table. Madali lang 'yan."

See? May kapantay na ang pagiging mayabang ko. Hindi nalang ako nakipag-argumento at pumunta nalang sa counter. Buti at wala pang halos tao dahil ayoko talaga ang pinapapila ako at pinaghihintay.

"Look who's here." May nagsalitang pusit sa likod ko.

Lihim akong napairap nang marinig ang boses ni Yancey. Boses palang nakakairita na.

Dahan-dahan akong humarap kay Yancey at sumalubong sa'kin ang sampung katauhan na nakatingin sa'kin. Hindi na ako nagulat nang malamang kompleto na sila, magaling na rin 'yong babaeng natamaan ng bala.

At dahil sa may plano ako ay kailangan kong magpanggap na mahina.

Yumuko ako sa harapan nila at umalis sa counter. Kaagad namang sumunod sa'kin si Intel na tahimik lang sa isang gilid. Umupo nalang muna kami sa isang table at naghintay kung kailan matapos umorder 'yong pesteng sampung taong nakakairita sa paningin ko.

At mukhang nang-aasar pa sila dahil halos kalahating oras na pero hindi pa rin tapos ang pag-oorder.

Napabuntong-hininga ako para mawala ang inis na nararamdaman. Konti lang ang pasensya na nasa katawan ko at mukhang malapit ng masagad. Tanginang 'yan oh!

"Hold your temper more, Sapphire." Paalala ni Intel sa'kin na mukhang naramdaman na rin na unti-unti ng mapigsi ang pagtitimping nararamdaman ko.

Inirapan ko ito. "Mayabang ka rin kaya pa'no mo hindi nagagalaw ang sampung 'yan?"

Nagkibit-balikat ito. "Alam ko lang kung kailan magmayabang at humarap sa isang tao."

Iningusan ko ito at hindi pinansin. Maniwala ako! Kung alam ko lang na konektado rin siya sa grupo na 'yon.

Lihim akong napatingin kay Intel. Kung titignan ay parang average student lang siya sa isang eskwelahan. 'Yong tipong mag-aaral kung gusto at lalakwatsa pag may panahon. Hindi naman siya mukhang nerdy at manang pero alam mong seryoso mag-aral. Typical student lang kung tutuusin ang tingin sa kaniya pero dahil likas na lumilipad ang utak ko ay hindi ko puwedeng isipin na hindi siya banta sa'kin.

Everyone is a suspect. Even myself.

Napatayo ako nang sa wakas ay tapos na rin ang mga hudyong 'yon sa pambu-bwesit sa'kin. Pagkatapos ng ilang taon ay natapos na rin sila sa pagpili ng pagkain.

Hinila ko na si Intel sa counter at oorder na sana nang may tatlong coloring book ang humarang sa dinadaanan namin. Nakataas ang mga kilay ng mga ito at hula ko na kung anong gagawin nila. Lihim akong napairap.

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon