Chapter 5

168 3 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa gilid ng sasakyan ni Lawa. Nasaan na ba kasi ang gagong 'yon? Hays! Bakit ba hindi ko alam ang class schedule niya tapos siya alam ang schedule ko. Buset 'yan!

Palinga-linga ako sa paligid baka sakaling nasa gilid lang si Lawa at nagtatago sa'kin pero ibang tao ang nakita ko. 'Yong grupo ng mga kalalakihan na nakabangga ni Lawa kanina!

Hindi ako nagbaba ng tingin kahit na masama na ang tingin nong grupong 'yon habang papalapit sa gawi ko. Sinong niloloko nila sa angas nila?

"Hoy babae!" Sigaw pa nong lalaking nakabangga ni Lawa.

Hindi ko siya sinagot at tinignan lang. Nagsitawanan naman ang mga kasamahan niya.

"Bastos pre oh!"

Pucha 'yan! Hindi lang sumagot bastos na?

Lumapit sa'kin 'yong lalaki at kwenilyuhan ako. Tinitigan ko siya mata sa mata, malamig na tingin ang binibigay ko.

"Hai miss! Ang ganda mo talaga!"

Hindi ko pa rin inaalis ang titig ko sa kanya, "bitaw."

Ngumisi ito imbes na gawin ang sinabi ko. "Pa-kiss muna."

Kumuyom ang kamao ko, "bitaw."

Pero hindi ito nagpatinag at nilapit pa ang mukha sa'kin. Hindi na ako nakapagtimpi at sinuntok ko siya sa mukha, ayon, tulog.

Halatang nagulat ang mga kasamahan nito at ang iilamg estudyante dito sa parking area. Inis ko namang inayos nag suot kong naangat dahil sa lalaking ngayon ay wala ng malay.

"Sinabing bitaw eh..."

Tinignan ko ang mga kasamahan niya na ngayon ay masama ang tingin sa'kin. "Ako na haharap sa inyo, mukhang wala na kayong balak na hintayin pa ang kasama ko." Sabi ko sa mga ito at pinwesto ang sarili.

Sumugod naman ang mga ito sa'kin. Hinawakan ko sa kamay ang isa at sinipa 'yong isa. Sunod-sunod na suntok ang binibigay ko sa kanila para hindi na talaga sila maka-ahon pa. Pinulupot ko ang kamao sa likod nong isang lalaki at sinipa ang isang na papalapit. Ilang ba silang lahat?

Umikot ako para sikuhin ang isang lalaki at para makaiwas sa paparating na suntok nong isa pa. Tatlo nalang sila, tulog na 'yong iba. Umamba ng suntok 'yong isa na madali ko namang nasalag at pagkakataon ko na 'yon para tirahin siya sa tunay na kahinaan ng mga lalaki. Ayon, sigaw ng sigaw habang tatalon-talon. Dalawa nalang.

Sabay na sumugod ang sa harap ko kaya mabilis akong yumuko at lagpasan sila at nang hinarap ko sila ay mabilis kong pinaigkas ang mga kamao sa pagmumukha nila, ayon, bagsak.

Hinihingal akong napasandal sa kotse ni Lawa. Tss. Lalaking wala na ngang respeto, lalampa-lampa pa.

Nakarinig naman ako ng pagpito at nang mag-angat ng tingin ay 'yong grupong Fàra na naman ang nakasalubong ko ng tingin. Ramdam ko agad ang mabigat na aura nila sa lugar pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin 'yon.

Lumapit sa'kin 'yong dalawang babae na kasama at hindi na ako nagulat nang hawakan nila ako sa magkabilang braso. Sa sinabi ni Lawa sa'kin kanina, alam ko na kung saan ako babagsak nito. Tss. Wala silang kwenta sa harap ko.

"Dalhin siya sa Décision room." Matigas na utos nong babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan kahit na pangalawang beses na kaming nagpang-abot.

Hindi ko maiwasang mapabalik tanaw sa nangyari nong unang linggo ko sa Devera University, ganito din 'yon eh. Ganito 'yon. Si Kurt....

'Yong malakas niyang boses na kahit itanggi ko ay maganda naman talaga sa pandinig kahit na mukha na siyang leon na kakagat na sa pagkain na nasa harapan niya. Ang mga emosyon na pilit niyang tinatago pero nakikita ko naman araw-araw. Mga emosyong ako lang nong una ang nakakaramdam. Hanggang sa dumating siya....

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon