Chapter 3

187 4 1
                                    


Elaine Sapphire's POV

"Bilisan mo nga Sapot! Male-late na tayo!"

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napairap dito sa loob ng CR at ilang beses ko na ring narinig ang mga katagang 'yon mula kay Lawa.

Kung puwede ko lang siyang hilahin papasok at i-flash sa inidoro ginawa ko na. Lecheng hudas 'yan oh! Nakakarindi na siya!

"Hoy Lawa! Kanina pa sana ako natapos dito kung matinong damit lang 'tong binili mo!" Inis kong sigaw pabalik habang pinal na pinipili ang isang skirt na hanggang tuhod at sleeveless na pang-itaas. Kulang nalang ihanda ko ang sarili ko sa lahat ng taong makakakita sa'kin sa damit na 'to. Peste 'yan!

"Matino 'yan! Para sa 'yo lang hindi! Hindi ka naman babae eh!" Sigaw na naman ni Lawa mula sa labas. Mas lalo naman akong napikon do'n.

"Ipapakita ko sa 'yo ang dahilan kung bakit ako hindi babae! Humanda ka talaga!"

Nakarinig ako ng tawa sa labas. Aning na!

"Pa'nong paghahanda ba? Nakahubad o sa kama nalang?" Tapos ay malakas na tawa ang sunod-sunod kong narinig.

Nagpantig naman ang tenga ko dahil do'n at binilisan ang pagbihis. Nang makalabas ako ay direkta kong binato ang hawak na toothbrush sa gawi ni Lawa, nakailag lang ang loko.

"What the!" Sigaw niya at sinamaan ako ng tingin kaso ay para itong natigilan nang makita ako. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil do'n.

Sisigawan ko na sana siya nang bigla itong tumikhim. "Bilisan mo na diyan, baka ma-late na tayo." Tapos ay basta-basta itong umalis.

Napaawang naman ang labi ko dahil sa inakto ng gagong 'yon.

"Siraulo!" Sigaw ko nalang at inayos na ang sarili ko. Nakakainis pa rin ang suot ko, hindi ako sanay. Baka may makabanggaan diyan sa tabi hindi makasipa dahil sa suot. Nalintikan na. Uso pa naman ang mga siga pag baguhan ka lang.

Nang makababa ako papuntang garahe ay nadatnan ko si Lawa na may kausap sa cellphone niya.

"Don't worry about those assholes, I can get rid of them." Tumikhim naman ako kaya napalingon sa gawi ko si Lawa at nagdesisyon na magpaalam sa sa kausap sa telepono. "Let's go." Sabi pa nito na hindi man lang ako tinitingnan at pumasok na sa loob ng driver seat.

Nangyari do'n? Kanina lang tatawa-tawa tapos ngayon hindi man lang makatingin? Hayop na utak mayroon siya! Kanina lang maayos tapos ngayon nasira? Walangya 'yan oh!

Wala na akong nagawa kun'di ang magkibit balikat nalang at pumasok na sa loob ng kotse ng kumag.

"Sapot," basag ni Lawa sa katahimikan habang binabagtas namin ang daan papunta sa hindi ko alam na lupalop ng mundo.

"Oh?" Sagot ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Hindi ako mahilig sa mga batas-batas na 'yan kahit na nasa poder pa kita---"

"Ano ako? Batang walang magulang at inampon mo lang?"

"Tumahimik ka nga puwede ba? Walang kwenta naman 'yang lumalabas sa bibig mo eh!"

"Nagtatanong lang eh."

"Tss. Patapusin mo muna ako puwede?"

"The stage is all yours." Bagot na sabi ko nalang dito.

"As I was saying, I don't like commanding around but I need to tell you something, kung may gulo ako at makita mo, 'wag na 'wag kang makikialam. Naiintindihan mo?"

Doon na ako napatingin kay Lawa. "Hindi ka naman siguro takas sa priso noh?"

Saglit niya akong binalingan ng tingin at base sa tingin niya, para siyang nakakita ng Sapphire na binalian ng leeg sa harap niya.

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon