Elaine Sapphire's POVMatapos ang pagkikita namin ni Lynx ay hindi na siya komuntak pa. Tahimik naman din akong naghihintay lang ng mensahe galing sa system tungkol sa report na hinihingi ko.
"Sapot, sure ka na bang papasok ka na talaga?"
Hindi ko alam kung pang-ilang beses na 'yang tanong ni Lawa pero talagang nakakairita na siya.
"Hindi makaintindi, Lawa? Gusto mo bang i-translate ko muna ng espanyol?" Asar na sabi ko sa kaniya at nauna ng pumasok sa loob ng sasakyan niya.
Ilang segundo ay pumasok na rin naman siya sa loob. Hindi na muna nag-drive si Lawa ngayon at nagpahatid muna kami sa kaniyang mahiwagang driver na hindi ko alam kung kailan lang ang silbi.
"Ayaw mo ba talagang malaman kung anong pinag-usapan namin ng Flúmé tungkol sa Fàra? You're part of it." Bigla nalang naging topic ni Lawa ang tungkol doon.
Nginisihan ko siya. "Hindi ko naman siguro 'yan ikakamatay di 'ba?"
"C'mon, Sapot. Just an info."
Umiling ako sa kaniya. "'Wag na, ayoko ng gulo." Sa sinabi ko ay nakita kong napakuyom ang kamao ni Lawa pero madali lang naman niyang naitago 'yon.
Hmmm? May sikreto ka talaga Lawa eh...malalaman ko rin 'yan.
Nang makarating sa eskwelahan ay nauna na akong lumabas ng kotse. Habang naglalakad ay bigla sumabay sa'kin si Lawa.
"Bakit mo ba ako iniwan nalang do'n?!" Galit nitong sabi na ang tinutukoy ay ang pang-iiwan ko sa kaniya sa koste.
"Makakalakad ka naman ng wala ako." Pamimilosopo ko. Wala akong ganang sumagot sa kaniya ngayon ng matino, tsaka, hindi naman siya matino kausap eh.
"That's not my point!" Kita na ang mga ugat sa leeg niya. Isang irap lang ang sinagot ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at nagbubulungan na rin.
"Feeling ko talaga sila eh."
"Oo nga, lagi nalang magkasama. May something talaga eh."
"I think they're having a lovers quarrel."
"They're so sweet noon tapos ngayon it's like maghihiwalay na."
"Pre, break na ata oh. Pormahan mo na."
Ilan lang 'yan sa naririnig kong bulungan sa paligid pero hindi ko nalang pinapansin. Pero, ito yatang isa ay hindi mapapakali sa mga nadidinig.
"Can you get your own life?!" Galit na sigaw kiya sa mga ito. Mukhang namang maamong tupa na umiwas ng tingin ang lahat. Pagkakataon ko naman para makaalis sa paningin ng lalaking 'to kaya dali-dali akong umalis.
Habang naglalakad ako papunta sa criminology class ko ay namataan ko na sila Yancey sa pinto ng room. Napataas ang kilay ko sa nakita. Tulad no'ng una ay lima lang sila at mukhang may hinahanap sila sa loob ng room dahil panay ang linga nila sa paligid.
Napailing nalang ako. Ano pa bang gusto nila? Gulo na naman ba 'to?
Nagkibit-balikat nalang ako at maglalakad na sana papunta doon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Lynx gave me a phone that I'll be needed when it comes on contacting them. According to her, Blake's phone has a secret applications that can trace a call, discover the voice call and others. Buti nalang at dumaan sa sistema ang tawag bago ito nasagot ni Lynx dahil kung hindi, alam agad ni Lawa na ginamit ko ang cellphone niya at hindi makakabuti 'yon lalo na at duda pa ako sa isang 'yon.
Dahil sa nangyari ay mas nadagdagan ang haka-haka ko na talagang may something kay Lawa. At sinabi ko na kay Lynx ang plano ko.
Hindi ko muna sinagot ang tawag at naghanap ng lugar na tahimik at walang tao.
BINABASA MO ANG
365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)
Ficção Adolescente"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang isa't isa, Halos magkakapareho na pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa, May patutunguhan pa ba an...