Elaine Sapphire's POVPa'no ba pumatay ng pusit na sobrang pangit at may mabahong amoy? Pa'no? PA'NO?
Kanina pa ako nagtitimpi eh, kanina pa at malapit na akong sumabog.
"Ang ganda talaga ng babaeng 'to pre." Sabi ng pangit na mukha namang pusit at manyakis pa sa kasama niyang mukha namang hindi tinae-este inire ng maayos.
Sila ang bantay ko, si pusit at si tae. Hindi ko nga alam kung may galit ba ang kumuha sa'kin dahil hindi nalang kumuha ng bantay na may itsura. Itong dalawa sa harap ko, hipon, tapon mga ulo.
At kanina pa ako inis na inis sa kanila dahil panay ang tingin nila sa'kin at hindi na ako natutuwa sa pinupuntahan ng mga mata nila.
Tangina! Hintayin niyo kong makatakas dito at hindi ko kayo sasantuhin! Mga putangina kayo!
"Oo nga. Sayang lang, hindi puwedeng galawin." Sagot nong mukhang tae ang mukha. Doon yata pinaglihi 'yon eh.
Tanginang pagmumukha 'yan!
Nang mapatingin ang dalawa sa'kin ay alam kong lukot na lukot na ang mukha ko.
Anong akala nila? Matutuwa pa ako? Pagmumukha nga nila wala ng kasaya-saya eh ang pag-usapan pa kaya?
"Pre, ang tapang oh!" Sabi nong pusit.
Tumango naman 'yong tae. "Oo nga pre, palaban din siguro 'yan pagdating sa kama."
Mas lalong sumama ang mukha ko dahil sa narinig. Pasalamat sila may nakaharang sa bibig ko kun'di bugbug sarado na sila sa laway ko.
Aba! Hindi ko nga memorize ang batas tungkol sa pambabastos pero alam kong nasa batas 'yon.
'According to Presidential degree of the Philippines 1001 or known as violation of rights in home electrical!'
Oh diba! Ang talino ko!
Batas 'yon, alam ko 'yon, hindi ko nga lang alam kung tama ba.
"May sasabihin ka, miss beautiful?" Tanong nonh pusit habang pinapakita sa'kin ang bunganga niyang nilisan na ata ng mga ngipin, nag-evacuate, walang natira kahit isa eh.
Dahil hindi ako makapagsalita ay inirapan ko lang sila. Kung ganito ang kahahantungan ng pagiging maganda, tatanggapin ko nalang ang pangit na itsura. Tanginang 'yan!
"Baka sasabihin niya pre, mahal ka niya!" Gatong nong mukhang tae kaya muntik na akong mawalan ng lakas sa pinagsasabi niya.
Tanginang 'yan! Ano raw? Parang gusto ko yatang pumatay!
"Yieeh! Kinikilig ako pre!"
Pwes ako kinikilabutan! Shit na! Delikado! Kailangang makatakas dito!
"Baka naman sa'kin pa 'yan magsabi ng 'I do' pre, aba, kailangan ko ng i-ready ang bahay namin, madugong labanan 'to." Patuloy pa nong pusit at gumigewang pa siya.
Ang galing niyang sumayaw sa part na 'yon! Sarap niya tuloy itapon sa kanal!
At nagtawanan ang mga walang'ya!
Imbes na atupagin sila ay tumingin ako sa paligid. May isang bintana, sana lang ay hindi masyadong mataas ang babagsakan ko mamaya. Ako ay si magdalena, mababa lang ang aking lipad. Tangina!
Wala akong nakitang CCTV. Alam ko rin na may mga tauhan sa labas kaya delikado. Kung sana lang ay nandito sila si Jay kaya alam ko kung saan ako pupunta.
Bahala na!
Napangiti ako sa panyong nakatabon sa'kin nang makawala ako sa pagkakatali. Pasimple akong nag-inat at tinignan ang dalawang ugok na ngayon ay parang may sariling mga mundo.
BINABASA MO ANG
365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)
Roman pour Adolescents"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang isa't isa, Halos magkakapareho na pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa, May patutunguhan pa ba an...