Elaine Sapphire's POVSa isang iglap lang, naging normal ang lahat. Hindi ko pa nakausap ang Black Sulein pagkatapos ng nangyari doon sa hotel at hindi ko pa rin nabubugbog si Violet kaya nga umagang-umaga, mainit na ang ulo ko. Idagdag pa ang eksena na naburangan ko sa umaga. Kumusta naman kaya 'yon?
"I really can't believe you're here now, with me. That Ramirez will pay for this." May diing sabi ni Lawa habang nakaupo sila ni Zhealla sa couch at magkayakap ang mga walang'ya.
See? Sinong matinong tao ang magkakaroon ng magandang gising kung 'yan ang bubungaran mo?
Kagabi nga nong nakarating ako rito ay si nanay Milagros lang ang nadatnan ko dahil busy daw si Lawa sa syota niya. Tsk.
"It's okay now, babe. As long as I am with you, everything will be alright." Malambing na sabi ni Zhealla at sobrang hinhin ng pagkakasabi niya non.
Nagagalit kaya ang isang 'to?
Akmang magsasalita pa sana si Lawa nang mapansin niya ako. Pinatigas ko naman ang mukha. Wala silang makikitang kahinaan ko.
"Sapot..." He called me.
Umakting naman akong hindi siya narinig at hindi sila nakita. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko roon si nanay Milagros at ang ilang katulong.
"Hija, gising ka na pala. Maghintay ka muna diyan at patapos na 'to." Sabi ng matandan nang makita ako.
Isang tango lang ang tinugon ko at saka binuksan ang ref at kumuha ng maiinom. Nang makita ko ang yakult ay kumuha ako ng tatlo saka pumwesto sa island counter at tinignan sila nanay na magluto.
Umiinom ako ng yakult nang pumasok sa loob si Lawa at sa akin agad napunta ang mga mata niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
Lumapit siya sa'kin at yumuko sa harapan ko. Mas lalo pang tumaas ang kilay ko kahit na hindi naman niya nakikita ang itsura ko.
"Wala akong pera." Inunahan ko na siya bago pa siya magsalita at dahil sa sinabi ko ay nag-angat siya ng tingin at saka ako tinignan ng may pagtataka.
Hahaha! Epic!
"Kung manglilimos ka, wala pa akong pera. Chu! Chupi!" Nakangising sabi ko at nakita ko naman kung pa'no dumilim ang mukha ni Lawa. Pikon talaga ang gagong 'to!
"Tss. Unbelievable." Hindi makapaniwalang sabi pa niya saka umiling-iling. "Gusto ko lang humingi ng pasensya sa nangyari sa misyon, I left you there, hanging." Balik siya sa pagyuko.
Buti alam mo!
Gusto ko siyang suntukin pero ayokong ipakita sa kaniya na apektado ako. "Wala akong maibibigay na pasensya sa 'yo."
"Hindi ako nagbibiro, Sapot."
Ngumisi ako. "Sabi mo humihingi ka ng pasensya, mukhang wala ako no'n eh. Pera nga wala ako, pasensya pa kaya."
Mas lalong napakunot-noo si Lawa sa sinabi ko at saka ako sinamaan ng tingin. "I'm saying sorry okay?!" Sigaw na ng dragon.
"Oh? Bakit parang galit ka? Sa tingin mo patatawarin kita pag ganyan ka magsalita? Sorry, pero hindi ako marupok."
"I'm sorry. Really sorry." Nakayukong sabi ni Lawa at kita ko talaga ang pagsusumamo sa mukha niya. Gusto ko pa sanant asarin siya kaya lang nakita ko si Zhealla na nakasilip sa amin.
Napangisi ako. "Oo na, 'wag ka ng umiyak diyan. Wala akong pamahid ng sipon mo." Natatawang sabi ko at mabilis naman akong nakakuha ng sama ng tingin mula kay Lawa kaya mabilis akong umalis doon at tumakbo.
BINABASA MO ANG
365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)
Teen Fiction"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang isa't isa, Halos magkakapareho na pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa, May patutunguhan pa ba an...