Elaine Sapphire's POVKatulad ng nasa plano, nang makitang nawalan ng malay ang lahat ay umarte rin akong nawalan ng malay.
Naghihintay lang ako ng cue bago kumilos.
"Dalhin mo sa'kin si Monternel." Rinig kong utos ni Zhealla sa mga tauhan niya.
Nakarinig naman ako ng mga yabag na papunta sa deriksyon ko. Mas umayos ako sa pagpikit at hinintay na makalapit ang kung sino mang lalapit sa'kin.
Nang maramdaman kong may humawak sa'kin sa braso at saka sa may paa ko ay pinilit ko ang sariling mas umayon pa sa sitwasyon.
Ayaw na ayaw ko talaga ang hinahawakan lalo at walang permiso mula sa'kin pero kahit na gustong-gusto ko ng magwala ay hindi ko ginawa dahil nga nasa misyon ako. Tangina lang!
Nang maramdaman na huminto ang paglakad ng may hawak sa'kin na hula ko ay lalaki—ay binaba ako at saka pinahiga sa sahig. Walang'ya talaga!
Gustong-gusto ko ng sigawan ang gagong nagbuhat sa'kin at naglagay sa sahig kung hindi lang ako umaarte na nagtutulog-tulugan.
"Hmm? Marami akong gustong gawin sa isang 'to pero hindi ko alam ang unang gagawin. I want her to suffer like gugupitin ko ang mga daliri kiya or bubunotin ko ang ngipin niya isa-isa, what do you think my butler?" Boses 'yon ni Zhealla sa baliw na postura.
Eh kung ikaw kaya ang pahirapan ko babae ka? Sarap mong ipalapa sa buwaya tangina kang gaga ka!
Naramdaman kong hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Bitch." Bulong ni Zhealla sa tenga ko at saka pabalyang binitawan ang kamay ko.
Pagtitimpi. Kapit ka lang.
Konting-konti nalang talaga at babangon na ako rito at bumangon para sabunutan ang bruhang 'yon.
Ilang minuto pa at narinig ko na ang ilang yabag na pumasok sa lugar na 'yon at 'yon na ang hudyat ko.
"What the hell?!" Sigaw ni Zhealla nang maitutok ko sa kaniya ang baril na binunot ko sa hita ko pagkabangon na pagkabangon ko sa sahig.
Nginisihan ko siya at saka kinasa ang baril.
"Bitch." Balik kong bati sa kaniya habang sinasalubong ang galit sa mga mata niya.
"I will kill you, Monternel." Madiing sagot ni Zhealla sa'kin habang nakakuyom ng mahigpit ang kamay na nakatingin sa'kin.
"Try then, Ramirez." Naging matalim ang tingin ko sa kaniya at mas pinagduldulan pa ang baril sa kaniya.
Nagulat naman ako nang abutin niya ang baril ko at nakipag-agawan sa'kin. Hindi ko binitawan ang baril at mahigpit lang ang kapit.
Binunggo ni Zhealla ang balikat ko para mabitawan ang baril pero hindi ako nagpatinag at binangga ang balikat niya ng mas malakas pa. Ayon, nabitawan niya rin ang baril.
Parehas naming nabitawan ang baril at nang tignan ko kung saan tumilapon 'yon ay medyo malayo sa'kin.
Tinignan ko si Zhealla na nakatingin pala sa'kin. Nauna siyang lumapit sa'kin at akma sana akong sisipain nang maunahan ko siya at mabilis siyang sinuntok sa tagiliran.
Dumaing siya at napa-atras. Hindi pa siya nakakabawi nang sumugod ako at tinadyakan siya sa bewang.
Napaupo siya sa sahig kaya kinuha kong pagkakataon 'yon at kinuha ang isa pang baril sa gilid ng hita ko at tinutok kay Zhealla.
Nginisihan ko siya. "Huli ka." Sabi ko ng mapang-asar.
"Arhg!" Sigaw ng loka at tumingin sa paligid. Ngumisi siya nang makita si Lawa na papunta sa deriksyon namin. "Babe! I-I'm scared! Basta nalang niya akong sinugod at hindi ko alam kung bakit!" Arte pa ng loka.
BINABASA MO ANG
365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)
Fiksi Remaja"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang isa't isa, Halos magkakapareho na pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa, May patutunguhan pa ba an...