Chapter 10

131 4 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

"What's your plan now, Benetiz?"

"Stick on the plan."

"What?! Wala ka ba talagang konsensya?!"

"I have but I don't need that one right now. Malapit na, Primo, malapit na."

Nagising ako dahil sa mga boses na 'yan. Agad na sumakit ang talukap ng mata ko nang subukan kong dumilat. Bawat parte ng katawan ko, igalaw ko man o hindi ay masakit talaga. Hindi ko alam kung nasa'n ako pero kung babasehan sa amoy ay mukhang nasa hospital ako.

"Hmmm...." That's all I can say. Ni hindi ko nga mabuka ang bibig para sana humingi ng tubig dahil sa uhaw na nararamdaman.

Shit! Bakit parang sinagasaan ng truck ang buong katawan ko?

Kahit na nakapikit ay sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero nauwi lang 'yon sa pag-igik. Ano bang nangyayari sa katawan ko?

"Fvck! She's now awake! Primo, call the doctor!" Boses iyon ni Lawa at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba 'yon pero nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.

Narinig ko pa ang pagbukas at sara ng pinto pero hindi ko na inintindi pa 'yon dahil abala ako sa paggalaw ng katawan ko nang biglang may pumigil sa'kin.

"Shit Sapphire! Don't move! Hintayin mo ang doktor at hindi 'yong maglilikot ka diyan!" Sigaw nito sa mukha ko.

Napangiwi ako sa isipan. Bakit ba parang dragon ang isang 'to?

"A-Ahh...hmmm.." Iyan lang ang tugon ko dahil hindi ko talaga mabuka ang bibig ko. Gusto ko sanang sabihin na tubig. I need water for goddamn sake!

Bumukas na naman ang pinto at nakarinig ako ng maraming yabag papalapit sa pwesto ko. May kusang nagbuka ng mata ko at naaninagan ko ang ilaw na nakatutok mismo sa mata ko. Ano ba 'to?!

Matapos sa kaliwa ay sa kanan naman na mata. Nang matapos ay hindi ko na naman mabuka ang mga mata ko. Parang ang bigat-bigat nila at masakit.

Sinubukan ko na namang gumalaw pero puro igik lang ang nagagawa ko dahil sa sakit na dinudulot ng bawat paggalaw ko. Ano bang nangyayari sa katawan ko?

"Apply sleeping pills to stop the patient on moving." Rinig kong may nagsalita. Bigla nalang may humawak ng braso ko at aalisin ko na sana ang kamay na 'yon nang may sumirit na kung ano sa loob ng katawan ko na nanggagaling sa may braso.

Unti-unti ay nakakaramdam ako ng pagod at bigla nalang akong tinakasan ng lakas sa paggalaw. Kahit na nakapikit ang mga mata ay hindi ko pa rin maiwasang mahulog sa pagod at tuluyan ng magpakain sa dilim.

Nagising na naman ako na maliwanag na kisame ang sumalubong sa'kin. Ando'n pa rin ang amoy na una kong naamoy nong unang gising ko, amoy kemikal.

Pinalibot ko ang tingin sa paligid at wala akong nakitang tao. The room filled with silence and emptiness.

Sunod kong tinignan ang kalagayan ko at may dextrose na nakakabit sa isang kamay ko. Marami ring nakabalot mula sa leeg ko hanggang sa paa. For short, I look like i visited hell and beaten up multiple times.

Napatigil naman ako nang biglang maumbalik sa'kin ang lahat ng nangyari mula sa pagkuha sa'kin nong mga lalaki na myembro ng Fàra hanggang sa pambubugbog nila na walang ingay ko lang na tinanggap. I really visited hell.

Napailing ako at inihiga ang ulo. Pagod na pagod ang katawan ko at kahit konting galaw lang sa katawan ay parang inihampas ko na 'yong sarili ko sa semento.

Nilibot ko na naman ang tingin at talagang walang tao. Doon naman nangunot ang noo ko, ang huling naaalala ko ay nandito si Lawa at Primo? I am not sure about Primo but I'm sure Blake was here. Palinga-linga na naman ako sa paligid nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok mula doon si Lawa na may dalang maliit na bag at isang malaking eco bag.

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon