Prologue

618 9 1
                                    

"Come with me. Ilalayo kita dito."

"Tss. Kahit ayaw mo hihilahin naman talaga kita palayo dito."

Bakit ba ako nagpauto sa mga salitang 'yan? Gago ang nagsabi tapos naniwala pa ako.

"Hoy Lawa! Ang sabi ko tumakas tayo sa lugar na 'yon hindi mo naman sinabing may plano ka palang pumunta sa kalawakan?" Bugnot na tanong ko kay Lawa na nagmamaneho.

Pa'no ba naman kasi, ilang oras na ba kaming nasa sasakyan niya at talagang mainit na ang pwet ko kakaupo!

"Tumahimik ka nga!" Singhal niya sa'kin.

Agad ko naman sinamaan ng tingin si Lawa sa sinabi niya. Tarantadong 'to!

"Oh ba't galit ka? 'Tatanong lang eh," mahinang bulong ko.

Nakita ko naman siyang umiling-iling.

Napatingin nalang ako sa labas ng sasakyan, puro puno tapos papasikat na rin ang araw.

Napangiti ako ng mapait nang maalala ang rason kung bakit nga ba ako nandito, bakit kami nandito ni Lawa.

Noon, wala naman akong paki sa ibang tao basta hindi malapit sa'kin. Boyfriend? Pinagtatawanan ko lang sila Monica sa bagay na 'yan. Tangina, ako pala ang pinagtatawanan ng tadahab dahi planado na niya lahat.

Alam na niya ang mangyayari sa lahat at ang tangina, hindi man lang nagbigay ng babala.

Tadhana, isa kang malaking PAKYU!

Maglalaro ka na lang nga lang, feeling pa ng tao. Bakit? Mahirap ba paglaruan ang mga bagay. Gano'n na ba ka importante ang mga bagay ngayon at mas pinipili nalang ang alagaan kaysa paglaruan?

Bakit ba ang drama ko?

Siguro kung nakakapagsalita lang ang tadhana ngayon, ito ang sasabihin niya,

"May karapatan kang mamili ng iba pero mas pinili mo 'yong taong hindi ka naman sigurado tapos ngayong nasaktan ka ng todo, sisisihin mo 'ko at sasabihing lahat ng lalaki ay tarantado?"

Pero kung nagkaroon man ng katawan ang tadhana ay hahamunin ko siya ng suntukan, at least mararamdaman niya ang nararamdaman ko ngayon kahit sabihin na nating pisikal lang.

"Tss. Huwag na huwag kang iiyak sa kotse ko Sapot kung ayaw mong iwanan kita dito sa daan."

Napatingin ako kay Lawa nang magsalita siya at pukawin ang pagmomoment ko.

"Inaano ka ba?" Pag 'to talaga sinapak ko siya 'yong iiwan ko dito eh.

Umirap naman siya. Bakla!

"Saan nga pala tayo pupunta? Kanina pa tayo nandito sa sasakyan mo eh."

"Kung maglalakad ka baka next year ka pa aabot, magmumukha ka pang gusgusin at mukhang ginahasa."

Ako naman ang umirap dito. "Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tao say pa talaga ako sumama." Nakasimangot kong sabi.

Ngumisi naman ang gago. "Kasi patay na patay ka sa'kin, that's why you choose me than that Jethro guy."

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. "Kilala ba kitang tangina ka?"

"Kung 'di ka tanga hindi ka sasakay sa kotse ko kung hindi mo ko kilala."

"Pakyu ka Lawa!"

Tumawa ito. "Rough and hard?" Kagat labi pang tanong nito.

Kinalabutan naman ako kaya agad kong dinampot ang walang laman na mineral water at binato sa kanya.

"'Wag mo 'kong idamay sa kamanyakan mong gago ka!"

Hindi na ako umimik pagkatapos non. Kaagad ko ding naramdaman ang antok nang wala ng nagsalita sa aming dalawa ni Lawa.

Napailing ako sa sitwasyon. Akalain mo 'yon? Nasaktan ako sa hindi ko aakalaing tao tapos kasama ko ngayon ang taong malabo pa sa inaasahan ko.

Pakyu ka talaga tadhana, lakas mong magpa-andar.

Kung ano man ang mangyayari sa amin ni Lawa dahil sa ginawa naming 'to, sana walang pagsisisi sa huli. Dahil baka hindi ko na kayanin pa, ang pangalawang pagkakalugmok.

I glance at Lawa, with him, how my life would be change?

***

Feel free to vote or comment. I accept suggestions and opinions, bad or good. Follow me if you want.

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon