Chapter 17

131 4 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

"Aalis na 'ko." Paalam ni Lawa nang makalabas kami ng school. Kakatapos lang ng klase at tulad ng plano ni Lawa ay hindi siya sasabay sa'kin dahil makikipagkita siya sa grupo niya para pag-usapan ang pagpasok ko sa grupo. Kukumbinsihin niya 'yong anim na 'wag na akong isali. Tigas ng bungo!

"Sige na, umalis ka na. Gusto ko ng magpahinga, 'wag ka ng bumalik." Asar kong sabi sa kaniya. Nagmamadali talaga kasi ako para mabasa ko na ang mga binigay ni Jay kanina.

"Bakit parang nagmamadali ka? May gagawin ka bang kalokohan?" Salubong ang kilay na tanong ni Lawa sa'kin. Inirapan ko lang siya at tinalikuran na.

"Hoy!" Sigaw ni Lawa at hinila ako paharap sa kaniya. Grabe lang na pagkahila dahil kwelyo ko talaga ang hinila niya.

"Ano ba?! Bitaw!" I hissed. Nakakwelyo na siya sa'kin ngayon. Tsk. Parang lalaki lang ang hawak niya. Tangina mo Lawa!

Tinitigan niya ako ng mabuti saka ngumisi. "Make sure to get in home in a minute at wala ka ng pupuntahang iba bukod do'n, I'm warning you, Sapphire, makakatikim ka na talaga sa'kin." Seryosong sabi niya saka ako tinulak papunta sa kotse niya kung saan naghihintay na si manong driver.

"Tss." Sabay naming sabi ni Lawa nang maipasok na talaga niya ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. "'Wag mo nga akong gawing bata!"

"Then stop acting like a kid!" He snapped.

Aba! 'Tong gagong 'to! Makakatikim 'to sa'kin eh.

"Gusto mo basagin ko mukha mo para alam mong hindi na ako bata?!"

"Nagmamatigas ka na naman!"

Inirapan ko siya. "Paki mo?!"

"Ipapaalala ko lang sa 'yo---the fvck!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis ko ng sinarado ang pinto. Bahala siya sa buhay niya, kung gusto niyang makipagmatigasan, pagod ako.

"Tara na po manong, 'wag niyo na pong pansinin ang taong 'yon." Sabi ko kay manong driver at binalikan ng tingin si Lawa na ngayon ay masama na ang tingin sa'kin– kahit na hindi naman niya ako nakikita sa loob dahil tinted ang sasakyan.

Inirapan ko lang siya at hindi na tinignan pa. Hmp! Bahala na nga siya sa buhay niya!

Mabuti naman at pinaandar na ni manong ang sasakyan kahit na mukhang nagwawala na sa labas ang amo niya.

Nang makarating sa bahay ay kaagad na akong pumunta sa kwarto at binati lang si nanay Milagros nang makita ko siya sa may hallway. Nagtataka pa siya dahil mukhang nagmamadali ako pero hindi ko nalang pinansin 'yon at deritso sa kwarto.

***

Blake's POV

"Almost done the plan 3. So, Benetiz, it's your move now, alone." Seryosong sabi ni Primo sa'kin.

Napangisi ako. No need to tell me about that, it's my turn to make a move now.

"Nah, I already adjusted. Paaamuhin ko nalang ang piranhang 'yon and we're close to the sea." I said coolly.

Napailing-iling sila.

"You better get ready yourself for Monternel." Seryosong sabi ni Ace.

"No need to warn me, I know what I am doing."

"Not about that, Benetiz." Nakangising sabi ni Ace dahilan para magtaka ako. "She's not a damsel who's always in distress, sooner or later, she will find out about your plan. That's the time you should ready yourself."

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon