Chapter 20

130 5 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

Mataman lang akong nakatitig kay Lawa mula dito sa soccer field. Kausap niya si Intel at mukhang importante ang pinag-uusapan nila.

Kanina pa ako  nakatingin sa kanila at alam ko ring alam nila na nakatingin ako sa kanila. Hindi lang nila pinahahalata pero alam kong alam nila.

Nakatitig ako sa kanila dahil tina-track down pa ni Jay ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung bakit niya inuutos 'yon pero dahil may kinalaman kay Lawa ay hindi na ako tumanggi pa.

Ilang minuto pa ay nakatanggap ako kay Jay ng text na tapos na niyang ayusin ang lahat. Napahinga ako ng malalim at saka lumapit do'n sa dalawa. Para hindi na sila magtaka pa kung bakit kanina pa ako nakatitig sa kanila.

"Hindi pa ba kayo tapos mag-usap? Halos kalahating oras na 'yan ah? Intel, pahiram naman sa isang 'yan." I coolly said kahit na ang totoo ay gusto ko ng umirap nang makita ang ngisi sa labi ni Lawa. Siyang-siya naman ang loko.

"No need to beg, baby. I'm all yours, don't worry." Pang-aasar naman ni Lawa na akala mo ikina-gwapo niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Nagbago na ang isip ko. Wala akong panahon makipag-usap sa gago."

Tumawa naman ang dalawa na akala mo may nakakatawa. Mukha ba akong clown sa harap nila? Tsk.

Nagpaalam naman na si Lawa at hinila ako. Syempre, hindi puwedeng hila-hila nalang ako nito kaya tinapik ko ang kamay niya.

"Chansing ka gago. Bitaw."

Ngumisi lang ito at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

Hindi ko nalang 'yon pinansin at hinayaan siya. Pero agad ding uminit ang ulo ko nang marinig ang mga bulungan ng mga estudyante sa gilid.

"See? Kahit sila alam na tayo na." Pang-aasar ni Lawa sa'kin nang marinig ang lahat ng sinasabi ng mga bwesit na estudyanteng 'yon. Mga wala namang magawa sa buhay.

"Hanapin mo nga pake ko, mukhang nawala ko." Pabalang na sagot ko lang dito at inirapan siya.

Tumawa naman ito at saka huminto. Ngayon ko lang napansin na nasa parking lot na pala kami.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko kay Lawa.

"Flúmé wants to discuss you some things. After all, we already have a week before the test came." Sagot nito at pumunta na sa driver seat.

Nagkibit-balikat nalang ako at sumakay na. Pinaandar na 'yon ni Lawa at nagsimulang magmaneho.

Hindi naman na ako nagulat nang huminto kami sa isang bar. Saan pa ba ako dadalhin ng isang 'to kun'di dito sa pinakamatinong lugar na buong mundo.

Ito 'yong bar kung saan una kong nakilala ang Flúmé. Nong nagkaro'n ng race pagkatapos naming umalis sa bar na 'to.

Napailing-iling nalang ako at lumabas na.

"Nasa loob na ba sila?" Tanong ko kay Lawa nang makalabas siya.

Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. "'Wag mo ngang ipahalata na excited kang makita sila." Parang galit na sabi nito at saka nauna na sa'king maglakad.

Napamaang naman ako sa naging aksyon ni Lawa. Ano na namang problema ng isang 'yon? Tss. Adik din!

Pumasok na rin ako sa loob at hindi na ano nagulat sa bumungad sa'kin. Wala pang tao at mukhang naghahanda palang sila para sa opening.

Tangina! Sino naman kasing tanga ang pupunta dito ng tanghaling tapat?

Shit! Kami nga pala!

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon