Elaine Sapphire's POVTangina! Tangina! Putangina talaga!
This is it. Ito na. Pagkatapos nito, hindi na ako lalabas ng bahay. Bahala na sila sa buhay nila basta hindi na ako uulit pa. Puta lang!
"Ma'am, let's get you wear your wedding gown."
Nalukot ang mukha ko sa sinabi ng isa sa tatlong babae na siyang nag-aayos sa'kin ngayon. Kasal ko nga daw, remember?
At ngayon palang parang gusto ko ng magtago sa sinapupunan ng nanay ko! Tangina lang!
Sinong matinong babae na ngingiti kung ikakasal siya dahil lang sa misyon niya?
Hindi naman talaga matutuloy 'tong kasal, ayon sa plano, at wala rin akong planong ituloy ang kasal, pero kasi, parang gusto ng umatras ng utot ko sa kaba.
"Kinakabahan si ma'am, okay lang po 'yon, normal na po ang kabahan sa sariling kasal." Nagsalita na naman 'yong isa sa mga babae na kasama ko ngayon. Siya daw si Faith. 'Yong dalawa naman na siyang nag-aayos sa mukha ko ay si Angela at Sabrina. At si Angela, siya ang cover ni Earien ngayon.
Akala ko nga kanina kakabahan na ako dahil hindi naman magiging ganito ang mukha ko kung wala ang Black Sulein. Buti nalang at nag-change ng cover si Earien kun'di patay talaga ako.
Actually, parang si Earien o Angela lang talaga ang make up artist ko at si Sabrina, siya ang taga-linis ko ng kuko sa paa at sa kamay. Sosyalin eh kaya ganiyan.
Pero hindi ibig sabihin non na hindi na ako naghihimutok sa loob ko! I'm so hurt inside! Char!
"Baka masikip, mamaya na." May ilang na ngiting sabi ko kay Faith, kulang na nga lang tumakbo ako palayo kung wala lang bantay sa labas, limang bantay pa.
Hayop na Bribon 'yan! Gagawin lahat matuloy lang ang kasal. Pag-ibig nga naman!
Napakamot ng ulo si Faith, may kuto ata. "Eh ma'am kanina niyo pa sinasabi 'yan, diba sinukat niyo pa 'to kahapon?"
Ako naman ngayon ang napataas ng kilay. Aba, Victoria ang dapat na datingan ko nito. "May I remind you that you're just a slave and I am your master?"
Napayuko naman ang babae. Tumabi naman sa'kin si Earien na may pekeng ngiti para kay Faith.
"Ma'am, isang oras nalang magsisimula na ang kasal. Kung hindi niyo po susuotin 'yan ay wala kaming magagawa kun'di ang tawagan si Mr. Bribon at siya ang magbihis sa inyo dito."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Earien kahit na alam kong wala siyang planong gawin 'yon. Isipin ko palang, parang gusto ko ng tumakbo palayo.
Naiinis na kinuha ko ang gown at pumasok ng banyo. Narinig ko pa si Faith na sasamahan ako sa loob buti nalang at kinausap ni Earien at hinayaan na ako.
Sinuot ko na ang gown at napangiwi nalang dahil medyo may kabigatan ang gown. Pa'no ba naman, may dalawang kutsilyo, isang baril at dalawang granada ang bitbit ng gown na 'to. For safety purposes daw.
Napapangiwi nalang ako at nang lumabas sa banyo ay umakto akong normal lang ang lahat. Walang bigat, walang kahit na ano.
Nakita ko pa si Earien na tumatawa sa gilid dahil alam niyang nahihirapan ako sa gown. Hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa kama.
Sinuotan naman ako ni Faith ng puting sandal at napangiwi ako dahil medyo may kataasan 'yon.
"Wala ba kayong sneakers diyan?" Hindi ko maiwasang magtanong.
Aba! Sa mga misyon ko noon flat sandal lahat ang ginagamit ko. Okay lang naman 'yon dahil natatakpan ng gown. Tss. Inaasar na naman ano ni Earien. Alam niyang ayoko sa heels ito talaga ang binigay. Tanginang 'yan!
BINABASA MO ANG
365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)
Novela Juvenil"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang isa't isa, Halos magkakapareho na pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa, May patutunguhan pa ba an...