Chapter 56

115 4 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

Sinong gustong maligo sa beach?! Tangina—AKO!

Malaki ang ngiti ko habang inilalagay ang mga gamit sa likuran ng van na gagamitin namin.

Syempre, dapat kasama ako aa outing-outing na 'yan. Hindi puwedeng mawala ako sa listahan.

"Excited much?" Pang-aasar sa'kin ni Earien habang sinusuot niya ang sun glasses niya.

Nakangiting tumango ako. "Syempre, hindi na nakakaligo eh... ng tubig alat." Sagot ko.

Tumawa naman si Earien kaya napataas ang kilay ko.

"Hindi ako nagbibiro."

"You're just so funny, Sapphire. Parang kahapon lang ayaw mong sumama dahil sasama rin si Benetiz. Ngayon naman sobrang excited mo na."

Inirapan ko siya sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Kahapon nang mag-aya sila at sinabi ni Lawa na sasama siya ay agad akong tumanggi pero sa huli ay pumayag na rin dahil na-miss ko rin ang simoy ng hangin sa dagat.

Tsaka, 'yong isla naman na pinuntahan namin noon ang pupuntahan namin ngayon, nong na-baldado ako at inilipat sa kabilang isla sa tabi ng isla ni Lawa. Hanep talaga.

"Tsk."

Tinignan ko ang ibang kasamahan namin. Ready na ready na ang kampo ni Lawa, 'yong anim na ugok. Si Lithan nga may dala pang-salbabida na nakakapit sa bewang niya a swimming glasses.

Si Ace naman ay naka swimming trunks na niya at handa ng lumangoy.

Ang iba naman ay nasa summer shorts pa nila habang kaming mga babae ay fully clothed pa.

"Talk to my feet, Sevant." Busangot na sigaw ni Scy kay Sevant na nasa may likuran niya at madilim ang mukha, mukhang galit.

Napatingin naman ako kay Earien nakatingin na rin sa'kin. Nag-usap kami sa tingin pero sa huli ay napatingin kina Jay at Dextr na nakangisi habang nakatingin kay Scy bago tumingin sa'kin.

"Don't look at me like that Sapphire ba---"

"Try, Diaz." Madiing putol ni Lawa sa kung ano mang sasabihin ni Dextr.

Napailing-iling nalang si Dextr at saka tinignan ako. "Sobrang possessive, Sapphire. Baka masakal ka niyan?"

Tinignan ako ni Lawa at seryoso lang ang mukha niya. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob ng van. Doon ako sa may pinaka-dulo umupo at pumwesto na. Si-net ko ang earphones ko at nagpatugtog ng malakas na malakas na talagang wala na akong maririnig sa ingay sa labas.

Pumikit na ako at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nang magising ako ay nasa may hita na ni Lawa ang ulo ko at nakaunan sa may hita niya habang siya ay sinusuklay ang buhok ko.

Gusto ko ang pagsuklay niya ng buhok ko gamit ang kamay niya kaya pumikit ako imbes na dumilat. Nakita na rin naman ni Lawa na nagising ako at pumikit ulit kaya wala na akong panahong mahiya pa.

"Pagod ka ba? Hmm? Nakatulog ka agad kanina." Tanong ni Lawa.

"Hindi naman. Hindi lang maayos ang tulog ko."

"Hmm... by the way, malapit na ang birthday mo at anim na buwan na rin tayong nandito. Naka-move on ka na kay Jethro di'ba?" Naging seryoso ang tono ng boses nito pagkatapos.

Ngumisi ako. "Andito pa 'yong sakit eh. Hindi mawala-wala."

Sa sinagot ko ay napatigil si Lawa sa pagsuklay ng buhok ko kaya nagmulat ako ng mata at tinignan siya. Mas napangisi ako nang makitang madilim ang mukha niya at umiigting ang panga.

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon