Chapter 9

120 4 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

Sa lahat ng gangster na kilala ko, ang Fàra na yata ang pinakabobo. Sino namang matinong parte ng grupong gangster tapos ipagsasabi sa iba? Edi nalintikan na, maraming makakaalam pa'no sila tirahin.

But that's not my problem right now. About sa towel na 'yon ang problema ko. Pucha! Sa hindi ko nga tinanggap eh! Pilit na inabot sa'kin!

Up until now, I still don't know what's going on. Ilap na haloa estudyante sa'kin dito. Ni sa pagtingin ay hindi nila magawa na para bang may sakit akong kahit na tingin lang deritso na stage 4 buhay nila. Tsk. Parang kailan lang sunod-sunoran sila sa paglalakad ko, ngayon, tsk.

Ito namang si Lawa, kung kailan ko kailangan, saka naman wala. Pag hindi ko kailangan, andiyan at parang armalite ang bibig sa kakadada. Nakakairita madalas.

Heto ako ngayon, nasa likod ng isang tagong building. I don't want to face anyone right now, I might kick them because of irritation. Bugbug sarado sila ng wala sa oras eh.

Napailing nalang ako sa mga naiisip at mahinang binato ang hawak na bato.

"Kawawa naman ang bato at napagbubuntungan mo ng galit." Sabi ng kung sino at nang tignan ko kung sino ay mas lalo lang akong nainis at nawala aa mood.

"Alis, 'wag kang feeling close." Pagtataboy ko dito.

Isang iling lang ang ginawa niya at umupo sa tabi ko dito sa bermuda grass. Siya 'yong babaeng pinagtanungan ko nong first day ko tapos sinagot lang ako ng walang kakwenta-kwenta tapos classmate pala kami. Pucha! Sarap niyang sampalin sa part na 'yon, pramis!

Narinig ko siyang natawa. "Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang unang encounter natin? Move on na oy!"

Inirapan ko lang siya at hindi kinibo.

"Ayaw mo talaga akong kausap? Sayang, may sasabihin pa sana ako tungkol sa Fàra na kinasasangkutan mo ngayon," bigla nalang itong tumayo kaya nanlaki ang mga mata ko at agad siyang hinila pabalik sa pagkakaupo. "Aray! Ano ba?!" Sigaw pa niya dahil napasalampak siya sa damuhan. Ayan kasi eh!

"Hindi tayo friends o ano pero magsimula ka ng magkwento bago ko pa masipa 'yang mukha mo. Nakakainis ka pa rin hanggang ngayon." Nakasimangot na sabi ko dito.

Nakarinig naman ako ng 'psh' mula sa kaniya bago niya inayos ang pagkakaupo sa tabi ko.

"Yabang mo!" Sigaw nito sa'kin.

Inirapan ko naman siya. "Nature tawag do'n."

"Eh bakit ako, nagagalit ka pag binara kita?"

"Feelingera ang tawag naman do'n."

Inambahan lang ako nito ng suntok at hindi 'yon natuloy dahil pinandilatan ko na ng mata.

"Kung hindi lang ako naaawa sa 'yo pinabayaan na kita hanggang sa sumapit ang gabi at malunod ka sa laro ng grupong 'yon." Bulong pa nito na rinig ko naman saka ito naging seryoso. "Fàra group is not known as gangster here. They're just the typically group of mean girls and heartthrob boys that every school has. Maangas nga sila at bali-balita ang gulong nasasangkutan pero walang maniniwala na gangster sila. Kaya kung iniisip mong sobrang bobo nila dahil expose na expose ang pagiging gangster nila, you're wrong. Ang Fàra na kilala dito sa school at sa labas ay hindi mo makikitaan ng pagkakaugnay. Kung titignan mo ay malabong mangyari na sila ang sikat na gangster sa underworld. It's not about the mask they wear nor the gorgeous faces that we've seen. It's about how they play."

Parang umikot naman ang mundo ko sa sinabi niya. Huh? Ano daw? May naiintindihan kayo? Ako kasi wala eh. Bakit parang nagiging komplikado ang lahat?

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon