Chapter 30

112 3 0
                                    


Blake's POV

"There's five in your left, Agenda." I firmly said over the earpiece while facing a monitor where I can clearly see what's going on in my island.

After Sapphire left, a submarine take in at doon ako pumasok kasama ang ibang mga tauhan ko.

Agenda's leading the way to shut the enemies mouth and he's doing a good job.

Iilang mura pa ang narinig ko mula kay Agenda habang nakikipag-away siya. Napailing nalang ako at tinignan ang ibang CCTV videos at may nakakuha ng atensyon ko.

It's a man with his red-violate mask. Nakapurong puti itong amerikana at nakatayo lang sa isang tabi na para bang nando'n lang siya para manood.

Dahil hindi ko makita ng maayos ay ti-nap ko ang ilang security camera na nasa paligid lang nong lalaki para makita siya ng malapitan.

"Fvck!" Napamura ako nang biglang tumingin sa gawi ko ang lalaking 'yon at dahil half mask lang ang ginamit niyang maskara ay nakita ko siyang ngumisi.

Sunod-sunod naman akong napamura nang makitang nakatitig lang siya sa camera na para bang nakikita niya akong nakatingin sa kaniya.

"Agenda! Turn to your left! Nakaputing lalaki na may maskara!" Utos ko kay Agenda at nang wala akong marinig mula sa kaniya ay sunod-sunod na naman akong napamura.

Nang tignan ko kung anong ginagawa ni Agenda ay may sampu siyang kalaban. Napamura ako at tumingin na naman sa monitor kung nasa'n 'yong lalaki at mukhang nang-aasar talaga siya dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin nilulubayan ng tingin ang CCTV.

Inis akong napasuntok sa pader na nasa gilid at kinuha ang baril na nasa gilid ko lang din at saka lumabas ng kwartong 'yon.

Nang lumabas ako ay nagtaka ako nang makita si Dela Gracia number 1 na prenteng nagkakape habang nagmamani-obra sa submarine.

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko kay Ace.

Tumingin naman ito sa'kin saka kumindat bago humihip sa kape na hawak. "Yow, Benetiz!" Bati nito at sinaluduhan ako.

Nangunot ang noo ko. "Ano sabing ginagawa mo rito?"

"Pinapunta ako dito eh. In-demand kasi ang kagwapuhan ko kaya hindi na ako tumanggi."

Tinalikuran ko nalang siya dahil mukhang wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kaniya.

"Holy shit! Sa'n ka pupunta, Benetiz?"

Tinignan ko lang siya ng blangko. "Mr. Croistre's on that island, I need to kill him." Galit na galit na sabi ko.

Cedarius Croistre is the one who went to our house to threatened my father to go back to their mafia group. Siya 'yong lalaking tumulong sa'kin para makapasok sa loob ng Plantum Sodalias.

But what pisses me off is that, he's a traitor to the organization. He's an agent from Archmedes and just cover himself in Plantum Sodalias.

Ang totoo ay wala akong pakialam kung sabihin niya man lahat ng transaksyon na nangyayari noon sa grupo pero ang hindi ko matanggap ay siya pa ang nagplano na kidnapin ang girlfriend ko. He has a desire on her.

Napakuyom ako ng kamao nang maalala kung pa'no niya tignan si Zhealla noon pa man. That bastard! I will kill him!

"No Benetiz! Kaya nga ako nandito para pigilan ka! It's just a trap! May alam sila sa plano mo kaya gusto ka nilang unahan!"

Napatigil ako sa pagsusuot ng swimmer's gear sa sinabi ni Ace.

"Alam nila?" Takang tanong ko. "Pa'no?!"

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon