Elaine Sapphire's POV"Oh tapos? Kailangan kita? Kailan pa?" Bagot kong tanong kay Lawa na mas lalong ikinasama ng mukha niya.
Kanina pa kasi siya nagpapaliwanag sa'kin kung bakit hindi ko puwedeng tanggapin ang offer ng Flúmé na maging parte ng grupo nila. At sa lahat ng explanation niya, kahit na may scientific and theories pa 'yan, walang makakapigil sa desisyon ko.
Magsasalita pa sana si Lawa nang mauna na ako. "At natatandaan mo ang agreement #2 natin? You can't meddle on my business, same on me to you. And I'm not dragging you here so you can't pull me from entering that gang."
Mas lalo naman siyang naasar. Alam naman niyang wala siyang karapatan, pinipilit pa kasi eh. Kanina pa kasi kami nag-aaway kasi pinipilit niyang 'wag na akong sumali sa gang niya. Hindi daw ako makakatulong at makakabigat lang daw ako sa grupo. Basis lang daw ang alam ko at hindi ko pa alam kung sino at ano ba talaga ang pinapasukan ko.
Kung alam niya lang na may plano ako edi sana hindi na siya dada ng dada. Pero syempre, hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya. Edi wasak na lahat ng plano ko di'ba?
Tsaka, nag-research ako tungkol sa mga bagay-bagay kaya alam ko kung sino at ano ang hinaharap ko. Hindi naman ako tanga para pumunta sa laban na kahit kutsilyo wala.
"But I'm a part of it." Madiing sabi niya at saka naging matalim ang mga mata. "I can't let you enter---"
I cut him off. "That's 6 versus 1, Blake. Sa tingin mo mananalo ka? Tsk. Tara na nga, baka ma-late na tayo." Sabi ko nalang at hinila na siya palabas ng bahay niya. Dami pang dada tapos mali-late na kami.
"Hey!"
Napatigil kaming dalawa ni Lawa nang may sumigaw mula sa labas. Nang tignan ko kung sino 'yon ay hindi ko naman kilala. Lalaki 'yon na naka-shades pa habang pakaway-kaway sa amin. Mataas at matikas ang pangangatawan.
Dahil hindi ko naman kilala ang bisugong 'yon ay binalingan ko si Lawa– na madilim ang mukha habang nakatingin do'n sa lalaki.
"Kilala mo?" Tanong ko sa kaniya.
Inis naman niya akong binalingan ng tingin. "Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong nito na halatang naiinis na sa'kin, nakakunot noo naman ako, "I didn't know him!"
"Eh bakit pakaway-kaway 'yan satin? FC lang?"
Mas lalong naging iritado ang timpla ng mukha nito. "Tangina! 'yan 'yong lalaking naghatid sa 'yo nang malasing ka! Tangina!"
Nagulat ako sa sinabi ni Lawa pero nagawa ko pa ring lumapit do'n sa lalaki at lumabas para makita at makausap siya ng maayos. Ngiting-ngiti naman ang loko.
Nakapameywang na hinarap ko siya. Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa saka tinaasan ng kilay. "Bakit ako sumama sa 'yo nang gabing 'yon? Hindi mo naman siguro ako pwenersa no?"
Bahagya siyang nagulat sa tanong ko pero ngumiti rin. Showing his complete and white teeth.
"You remember me?" Halatang tuwang-tuwa pa siya.
Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at blangkong tinignan lang siya. "'Wag mong gamitin sa'kin ang famous line ng RM. Bakit ako sumama sa 'yo nang gabing 'yon?"
Mas lalong ngumiti ang loko. "Have a coffee with me, I'll tell you."
"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo tangina ka! Kape-kape ka pang nalalaman, sasabihin mo o hindi?"
Napakamot ito ng ulo, "but lady, it's a long story."
Tinalikuran ko siya. "Bahala ka sa buhay mo, hindi naman ako mamamatay pag hindi ko malaman."
BINABASA MO ANG
365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)
Teen Fiction"Birds with the same feather, flocks together." Ayaw niya ang mga ayaw naman ng isa, Gusto niya ang mga gusto naman ng isa, Kaso ayaw naman nila ang isa't isa, Halos magkakapareho na pero hindi pa rin magkasundo ang dalawa, May patutunguhan pa ba an...