Chapter 34

91 3 0
                                    


Elaine Sapphire's POV

Puwedeng manuntok? Kahit isa lang? Sa mukha lang?

Nakakainis na kasi 'tong lalaking 'to na kanina pa nagsasalita sa harap ko. Kung puwede ko lang siyang sabihan na tumigil na sa pagsasalita dahil nakakarindi ang boses niya ginawa ko na pero dahil nga nasa cover pa ako, kailangan kong manahimik.

"Victoria Villemen. 28 years old. Chief financial officer of V tech company, Mina's family business. Her parents died when she's in college and since then, she become independent. For now, she has a 3 years old son and considered a last family she have--"

"Stop."

Gusto kong pumalakpak sa taong pumigil sa matabang lalaking 'to na kanina pa nagsasalita sa harap ko. Kulang nalang ay ngumiti akong mag-isa rito dahil sa wakas, tumahimik na rin 'tong si tabachoy.

"Deine." Tawag nong tabachoy sa bagong dating na lalaki na siyang pumigil sa kaniya sa pagsasalita.

Nag-angat ako ng tingin at nahuling nakatingin sa'kin si Hoven. Parang nanginig naman ang tuhod ko nang makita na naman ang mga titig niya. Ayan na naman siya sa mga titig niya!

Muntik ko ng makalimutan ang cover ko dahil gusto ko na siyang irapan buti nalang at napigilan ko. Dahil nilabas na rin naman nila ako kaya nakakausap ko na sila at naririnig.

"I'm begging you. P-Please, pakawalan niyo na ako rito. W-Wala akong ginawang kasalanan." Nahihirapan kunong sabi ko.

Ang gagong Hoven Rey hindi man lang ako tinignan ng may emosyon. Mabilis niyang nilihis ang tingin at saka tumingin sa ibang deriksyon. Tangina! Deadma na naman!

"Why she's here?" Tanong ni Hoven Rey sa boses na talagang nagpapanginig ng tuhod ko.

Ako lang? Ako lang ang ba ang takot sa lalaking 'to?! Bakit parang ako lang?! Anak ng!

Nagsalita na naman 'yong nakaka-iritang tabachoy. "Mr. Petterson got a a warning that a lady whose name is Victoria Villemen is an agent from a known organization."

Sinamaan ko ng tingin 'yong tabachoy. "I don't know what you're saying! Wala akong ginagawang masama! Hindi ko alam 'yang sinasabi niyong agent! Hindi 'yan totoo!" Gusto ko tuloy pagtawanan ang sarili ko. Galing ko talagang umarte! Papasang Hollywood!

Tinignan naman ako ni Hoven Rey at napa-urong yata ang dila ko nang makitang masama ang tingin na binibigay niya sa'kin. Siguro kung ako lang si Sapphire ngayon at wala sa cover, tataasan ko siya ng kilay kahit na medyo takot ako sa kaniya.

"Did she already got the experiment?" Malalim na tanong ni Hoven Rey habang nakatingin pa rin sa'kin.

Napayuko naman ako dahil sa tindi niyang tumingin. Bwesit na 'to!

Umiling 'yong tabachoy. "I didn't got any go signal from Dr. Wy."

Tumango-tango naman si Hoven Rey at saka tinitigan naman ako. Gusto ko tuloy kunin ang mata niya at gawing lumpia. Makatitig wagas!

"Okay. I'll do the experiment. Leave me here now."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Hoven Rey. Parang gusto ko tuloy marinig ang boses nong tabachoy na nakakairita kanina. Shit! Siya nalang kaysa sa lalaking 'to! Matatanggap ko pa eh!

Parang gusto ko tuloy umiyak at magtampisaw sa sahig. Tangina! Ayoko siyang kasama!

Halos habulin ko na si tabachoy kung hindi lang ako nakakuha ng masamang tingin mula kay Hoven Rey. Tsk. Akala niya natatakot ako sa kaniya?

Kung pasiklaban ng nakakatakot na aura, aba! Magpapaturo nalang ako sa kaniya!

"Behave now, woman. If you still want your head in yourself." Banta ni Hoven Rey.

365 Days With The Rule Breaker (Rule's series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon