Kabanata 2
"Si kupido"
4 Months LaterMejo matagal tagal na din . Kumusta na kaya sila rui? Palagi sila pumapasyal sa bahay pero d ako nag papakita , nag tatampo na siguro sila sakin . Di bali na , oras na siguro para bumangon . Kaya ko na siguro ,
*PHONE BEEP*
Tol musta na? G tayo? Andito ako sa GameCity sa Holy Angel . Mga 3pm tol
*Text message from Unknown*Sino to? Putik tagal ko ng hindi nag loload wala naman kasi akong ka text . Pero puntahan ko nalang tamang tama kailangan ko mag libang .
*Aksidenteng nabuksan ang old Message ni Jean*
-Hi Baby! Good morning ! Kain kana 😘 i love you
-Hi Baby ! Pauwi na po ako . Pupunta ka ba sa bahay mamaya?
-baby May binili ako sayo sigurado magugustuhan mo
-Baby gutom nako gusto ko sabay tayo kakain 😇*ARE YOU SURE YOU WANT TO DELETE THIS MESSAGE?*
(Yes/No)
(YES)*Background Music Playing*
Tuloy pa rin by NeoColours🎶Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na🎶🎼(Naka-Smile)nakakatawa nalang pala pag naka move on kana 😄 malaya na nga ata ako .
🎶🎼Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
At kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko🎶Pangako! Yun na yung last na mag papaiyak sakin! Hindi nako magiging marupok!
🎶Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagka't tuloy pa rin🎼6 Missed Calls from Unknown
SVEN: Waaaaaaaa!!!! Naka tulog ako! May lakad nga pala ko! (Time check 6:32pm) geddemet!
MOMMY : Aalis ka ba anak? Kumain ka muna .
SVEN : Opo mi , doon nalang po ako kakain may pupuntahan kasi ako.
MOMMY : Mabuti naman at naisipan mo ng lumabas . Sina rui e plagi silang nag pupunta dito pero hindi ka nag papakita saknila . Sila ba mga kasama mo?
SVEN : Hindi mi. Basta alis na po ako punta lang ako sa GC mag dodota lang po babye !Musta Jazz!? Miss you buddy! Magagamit na din ulit kita 😍 sorry matagal din kita hindi na drive. Let's go boy!
Jazz = Name ng motor ko
GC = GameCity (Favourite tambayan ko dati Computer shop)A FEW MOMENTS LATER
*noisy background / arcade background*
?? : Stun mo stun mo!
?? : Huli yan! Patay na yan boi !
?? : End na ! End na mga pre GGWP!!Sino kaya yung tumatawag sakin?
Parang wala naman akong kilala dito?
Makapag ikot ikot nga muna.?? : Sven !
SVEN : ? (Sino yun?)
?? : Huy! Musta pre?? Kanina pa kita tinatawagan di ka nag rereply hanep ! Long time no see !
SVEN : JM! Ikawba yung tunatawag sakin? Pasensya na pre hindi nako nag loload e . O anong balita?
JM : Eto ganon padin dota dota lang . Ano G laro tayo?
SVEN : Sure! Tara!Si JM barkada ko . Nakilala ko lang din dito sa computer shop . Hindi nya kilala sina rui wala syang connection sa mga "DATI" kong barkada.
*3 Hours later*
SVEN : Yoko na hahaha sakit sa likod
JM : Hahaha weak mo pre bat ganyan laro mo ngayon? Nakakatamad ka ng kalaban haha
SVEN : Alaws sa mood pre hahaha .Sa di kalayuan may roon akong natanaw.
SVEN : Tol chix . Ayun oh tignan mo wag ka ppahalata baka makita ka tinitignan mo sya .
JM : Si lexy?Lexy? Wow sounds like sexy bagay sa name nya hahahhaa
SVEN : Kilala mo??
JM : Oo naman ! Type mo? Broken hearted ata yan e
SVEN : di ah . Tinanong ko lang e
JM : Wushu style mo laos na . (Sumigaw bigla) LEXY! Tropa ko oh ! Nakatitig sayo (tinuro ako)
SVEN : Huy! Gago ! Sira ulo to . Namo pre nakakahiya! (Awkward pucha namumula ako)
JM : Hahahah torpe ka pala pre! tignan mo nag smile si lexy oh
SVEN : Hahaha walang ya ka pre lalabas muna ko, puntahan mo nalang ako dun sa labas pag katapos mo jan (Kinikilig patago)Nakay lexy yung tipo kong babae , mukhang mahinhin . Simple lang at walang make up!
Lord! Sya naba yun!? Penge nga ng sign 🙏😅JM : Lexy eto nga pala tropa ko si SVEN , single yan tapos mabait pa
SVEN : ?? (NANI!?!?!?!??!!!!) ha!? He-Hello 😅
LEXY : Hi (naka ngiti)Ah jusko lord eto naba yung sign ??? Kung tanga ang mag mahal Lord ! Handa nakong maging tanga ulit !!!!🤣
LEXY : Uwi nako JM ha , may pasok kasi ako bukas.
JM : Hatid kana daw ni Sven
SVEN : Sig.....
LEXY : Hindi wag na lang Thank you hehe , malapit lang naman . Thank you ulit bye. (Naka smile)
SVEN : ah sige sige ingat ka (mamahalin pa kita ayiiiiieeeeeeee!!!! @&!?!%^!!!!😂)
LEXY : Kayo din 😊Hahaha! Sayang kala ko naman mag papahatid na sya 🤣 sana mag kita kami ulit .
SVEN : Pre nakalimutan ko tanungin yung number nya
JM : No worries ! Have no fear! JM KUPIDO is here! Eto number
SVEN : Yown ! The best ka talaga pre tara nga libre kita ng gravy sa KFC (unli gravy naman e)😂GRAVY = favourite ko kasi yun
*TEXT MESSAGE*
Sven to Lexy
"Hi Lexy , si Sven nga pala to yung pinakilala ni JM . Sorry dko kasi nakuha number mo kaya kinuha ko nalang sa kanya 😅"
*SENT*—ITUTULOY—
-PLEASE DO NOT FORGET TO LEAVE ⭐️-
-ALSO FOLLOW ME FOR MORE!-
BINABASA MO ANG
Amour Fidèle - Faithful Love (COMPLETED)
RomanceMay mga tao talaga na dadating sa buhay natin ng hindi natin inaasahan , mag bibigay sigla at saya sa bawat ngiti natin. Sabi nga nila . Kapag may saya . May lungkot. Ito ang storya Ng isang tao na lubos na nag mahal sa kanyang sinta .. halinat tu...