3: DRAKE

223 21 12
                                    

FREIY:

"A-ano?"

Hindi ko mapigilang mautal sa kaniyang harapan. Ang lakas naman ng loob niya pagsabihan ako ng ganyan e ang girlfriend niya lang ay nandito mismo sa likuran niya, nakatingin sa'min.

"Yes," tinaasan ako ng kilay nito.

Kumunot ang aking noo at pinanliitan siya ng mata. Rumihestro naman ang nagtatanong na tingin niya sa'kin.

"Adik ka ba?" tanong ko nito.

Napamaang ito sa sinabi ko pero kalaunan ay umigting ang panga nito at napabaling sa ibang direksyon at biglang tumingin sa'kin kaya buong lakas kong sinalubong ang tingin niya. "Am I look like a addict to you?" sarkastikong ani nito.

Tumango ako at tinaasan siya ng kilay. "Yes-"

"I'm going to court you, that's the end of discussion," sabat kaagad nito at tumalikod sa gawi ko habang ang kamay ay nasa bulsa.

Napahawak kaagad ako sa pader dahil sa biglaang pagtibok ng puso ko. Amporkchop naman.

"Hey."

Napaayos ako ng tayo ng makita ko ang babaeng kasama ni Asxel. Tinaasan ako nito ng kilay at hinawi ang buhok niya sa kaniyang likod. "Don't you dare come near him." and then, she walked away.

May pa kembot-kembot pa ito habang sinundan si Asxel palabas ng coffee shop, napairap nalang ako kawalan.

Akala niya ako ang lumalapit sa jowa niya? Sus, ang jowa niya ang adik sa'kin.

"Omg! Kinikilig ako sainyo!"

Natauhan ako ng biglang pinalo ni Zandra ang aking braso habang nakapaskil ang kinikilig na mukha nito. "Huh?"

"Sino 'yon? Infairness ang gwapo!" kinikilig na ani nito habang ang kamay ay nasa magkabilang pisnge niya.

"Gwapo na 'yon sayo?" sarkastik na sagot ko at tumalikod sa gawi niya at nagsimulang maglakad.

"Oo! Ano ka ba, bulag?"

"Hindi ko siya type. Pedophile 'yon."

"Ano? Bakit? Ilang taon na ba si papi?!"

Napaharap ako sa kaniya at bumuntong hininga. "60 years old."

"Bwesit ka talagang kausap. Ilang taon nga?" ulit nito.

"23, okay?! He's five years older than me," tumalikod ulit ako sa gawi niya at umupo sa bakanteng sofa. Buti nalang at wala ng tao. Gabi na din kasi.

"May iba pa nga na 10 years ang gap. Gora ka na do'n Freiy!"

Natapos ang araw na iyon na puro nalang pangungulit ni Zandra kung ano ang pangalan ng lalaking iyon at kung bakit ko daw kilala. Hindi ko naman sinabi sa kanya baka kukulitin at aasarin ako non pag nalaman niyang nanliligaw sa'kin ang lalaking iyon.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga ng makita ko si Tita na busy sa kaniyang pananahi. Nananahi din kasi si Tita galing sa mga kumare niya. Nag mano na din ako sa kaniya.

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon