FREIY:
Akala ko ay naranasan ko na ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko at ito ay 'yung lumaki akong walang ama na nasa tabi ko para suportahan ako, alagaan ako, pasisiyahin ako at mahalin ako pero hindi. Hindi ko pa pala naranasan ang sakit at ngayon ko lang napagtanto na ngayon-- ngayon ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko at wala ng makakapantay pa sa sakit na dinadarama ko ngayon.
Masakit isipin na wala na si Mama, ang sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko hanggang sa di ako makahinga at unting-unting mamamatay.
Masakit din isipin na wala na akong magagawa, wala na akong magagawa para mabuhay ulit si Mama, wala akong kapangyarihan para mabuhay siya muli. Pero kung meron man ay di ako magdadalawang isip na buhayin si Mama ulit.
I wish that I can turn back the time para mas ipadama ko pa ang pagmamahal ko sa kanya, sana di nalang ako naging tutok sa trabaho at tinutok ko nalang ang sarili sa kanya. Kung alam ko lang na iyon na ang huling araw na makasama ko siya ay bawat segundo at minuto ay ipaalala ko sa kanya na gaano ko siya kamahal.
Pero wala na, wala na si Mama.
At kailangan kong tanggapin iyon.
"Kumain ka na Freiy," ngumiti ako ng pilit at tsaka umiling, si Crizel na nasa harapan ko ay nagbuntong hininga nalang at umupo sa tabi ko. "Alam kong masakit mawalan ng mahal sa buhay Freiy, pero mas masakit isipin na nasasaktan ang Mama mo ngayon sa ginagawa mo," pang- aaral nito.
Naririndi na ako sa pang-aaral nila, kahit sina Tita Cristina, Crizel, Hera, Zandra at iba pa ay pinapangaralan ako. Ayaw ko nun, ayaw na ayaw ko. Gusto ko muna ng katahimikan.
Dahil nga naririndi na ako sa pang aaral nila ay tumayo ako hindi na nagpaalam sa kanya para lumabas ng bahay.
Huling araw na ito para paglamayan namin si Mama ar bukas na ang libing. Gusto ko pang patagalin para matagal ko pang makita si Mama pero hindi ito pwede kahit gustuhin ko man.
Its been 6 days since nawala si Mama.
Yes, its been 6 days since she left me alone hanging.
Akalain mo 'yun, nakakaya kong magtiis na makita ang dalawang taong sinaktan ako araw-araw. Palagi silang nasa bahay araw-araw at tumutulong din para sa lamay ni Mama.
Ang ama kong walang ginawa, nalaman kong mayaman at doctor pa. Wow bigtime! Pero wala man lang ginawa para tulungan kami.
Ang manliligaw kong niloko lang ako, sinaktan ako, bes, nagwagi po siya! Waging-wagi.
Natiisan kong makita sila doon pero kung a-akmang lalapit si Asxel sa'kin ay lumalayo din kaagad ako, ganoon din ang ginawa ko sa Ama kong walang kwenta.
Ayaw kong kinaka-awaan ako, base kasi sa mga mata nila ganun ang tingin nila sa'kin.
I don't need the pity!
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo ngayon sa bench na nandito sa parke. Nakatingin sa mga batang masayang naglalaro. Sana bumalik nalang ulit ako sa pagkabata at ibahin ang tadhana, tadhana na di ko makikilala si Asxel.
BINABASA MO ANG
Her Suitor
RomanceCOMPLETED|| Isa siyang independent na babae, maganda at matalino na hinahangad rin ng karamihan. Lumaki ng hindi kumpleto ang pamilya, walang ama sa katabi, pero kayang gawin ang lahat para sa natitirang pamilya. Hanggang sa may biglang dumating sa...