39: HEARTBREAKS

85 13 0
                                    

FREIY:

Iyong pakiramdam na napapagod ka na sa lahat, 'yung pakiramdam na ayaw mo ng bumangon at hayaan lang ang sariling umiyak ng umiyak hanggang sa maubos ang luhang gustong ilabas pa. Gusto kong wag gumising at matulog na lang habang buhay dahil sa masakit na nararamdaman ko ngayon.

Ang sobrang bilis ng panahon na natagpuan ko nalang ang sarili kong wala ng Ina, ang sobrang bilis na hindi ako makapaniwala, parang ayaw ko itong paniwalaan at isipin nalang na panaginip itong lahat. Pero kahit anong sampal, pananakit ko sa aking sarili para man lang magising ay hindi ako nagising dahil totoo ito at hindi panaginip talaga.

Walang gana akong tumayo sa hinihigaan, suot ang kulay puting tshirt at jeans ay lumabas na ako sa kwarto ko at tumambad kaagad sa'kin ang nag-aalalang tingin nila Crizel, Zandra at Hera na ngayon ay sinusuri ang kalagayan ko. Pinilit ko ang mangiti sa harapan nila para naman ay hindi na sila mag-alala pa at hindi ko madadagdagan ang problema nila.

"Kumain ka na," si Crizel ng napapanhik ito papunta sa aking tabi. "Hindi ka pa kumakain simula kahapon," mahinang ani nito.

Ngumiti ako ng pilit at umiling. "Kumain na 'ko kagabi." pagsisinungaling ko at umalis kaagad sa tabi niya para umupo sa silya na nasa harapan ng kabaong ni Mama.

Napakuyom ang aking kamao sa galit ng maalala na nakita ko na ang totoong Ama ko na Doctor naman pala. Kung Doctor siya bakit hindi niya kami tinulungan? O kahit man lang si Mama ay tinulungan niya pero hindi niya ginawa at ngayon lang mismo siya sumusulpot na wala na si Mama? Wala talaga siyang kwenta.

Pinigilan ko ang luhang gustong lumabas ulit dahil sa galit sa kaniya. Hindi ko siya tatanggapin na Ama ko dahil siya rin ang isa sa dahilan kung bakit namatay ang Mama ko, hindi niya tinulungan si Mama at higit sa lahat ay iniwan niya kami na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin narinig ang explenasyon niya, pero mabuti na din iyon dahil ayaw kong marinig ang purong kasinungalingan na lalabas galing sa masama niyang bibig.

Nagpapasalamat din ako kahit papano na nandito ang mga kaibigan ko para tulungan kami sa paglalamay namin kay Mama. Tatlong araw na bago siya nawala, at apat na araw na lang para mailibing na namin si Mama, ang sakit lang. Ang sobrang sakit.

Parang dala ko ang sakit ng lahat ng tao dito sa mundo dahil sa nararamdaman ko, parang bitbit ko ang lahat ng sakit dahil nagsakripisyo ako. Hindi ko alam kung bakit nangyari sa'kin ito, unang-una ay sinaktan ako ng taong akala ko ay totoo ang intensyon sa'kin, na akala ko ay mahal niya ako o kahit gusto man lang. Akala ko ay seryoso siya sa ginagawang panliligaw niya pero hindi... Hindi...

At tungkol sa gumawa nito kay Mama ay hindi pa namin alam, patuloy pang ininbestigahan ng mga police ang nangyari. Gusto kong mabigyan ng hustisya si Mama at mabubulok ang taong gumawa sa kaniya non sa kulungan. Naghihinala din ako na baka ay isa lang ang taong gumawa nito at ito ay 'yong tao na sumusunod sa'kin.

Natigilan ako sa pag-iisip ng may makitang plato sa aking harapan. Dahan-dahan akong napatingala para makita kung sino iyon ng makita ko na si Asxel ito. Kumunot kaagad ang aking noo ng makita siya at napaiwas kaagad ng tingin, hindi ko na kayang tumingin sa pagmumukha niya, nasasaktan ako at nagagalit ako pag nakikita ko ito. Hindi kagay nong una na tumitibok pa ang puso ko sa kaniya pero ngayon ay kumikirot na.

"Eat..."

Bulong nito pero hindi ko ito pinansin, nanatili pa rin siyang nakatayo sa harapan ko habang hawak ang plato na may laman na kanin at ulam para kakainin ko.

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon