18: ROSES

85 15 18
                                    


FREIY:

Maraming estudyanteng naglalakaran, palabas at papasok sa skwelahan namin. Hindi ko nga alam kung ano ang ibang schools dahil hindi ko naman masyadong alam kung ano ang ibat-ibang skwelahan ang sasali ngayon sa intrams.

Lunes ngayon kaya ito na ang unang araw para sa one week intrams. Ibat-ibang schools ang pumapasok, ang mga athletes din na kasali sa bawat laro na gaganapin ngayong linggo.

"Ang rami tapos ang sobrang mainit!" reklamo ni Crizel sa tabi ko habang dala ang kaniyang pamaypay.

"Oo nga. Ang booth niyo? Okay na?" tanong ko sa kanila ng hindi man lang nila sinabi sa'kin kung ano na ang balita sa booth ng classroom namin.

"Sila na bahala nila Lovey, alam mo namang ang aarte non kaya sure naman kaming maganda ang kinalalabasan ng booth," sagot kaagad ni Hera habang abala sa pag-aayos ng kimpit sa kaniyang buhok, napangiwi ako.

Biglang umingay ang paligid kaya nagtataka akong napabaling kung saan sila nakatingin. Nahagip kaagad ng aking mata ang basketball team ng skwelahan namin, o ang panthers. Naka uniform pa naman sila pero sabay-sabay silang pumasok, ano 'to grand entrance?

At ang nasa unahan non ay si Drake, naglalakad habang ang isang kamay ay nasa bulsa at nakasabit ang kaniyang pack bag sa isang braso lang nito. Medyo magulo ang buhok pero nababagay naman sa kaniya. Ang chinito nitong mata ay mas nawawala dahil nakangiti ito habang nakatingin sa'kin ngayon. Ganyan ba talaga siya ka masiyahin?

"Freiy," tawag nito at dali-dali na  napahakbang papunta sa'king harapan.

Nasa harapan ko na ito at nagpaiwan ang dalawang kaibigan niya sa likuran habang sinasangga siya. Habang ang iba ay umuna na paalis dito. Nakatingin sa gawi namin ang lahat ng nandito, kahit nga ang ibang school's students ay napatingin sa'min.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Wala bang goodluck dyan?" nakapout na tanong nito, hindi ko maiwasang magulat pero natatawa naman sa kaniyang mukha.

"Wow Drake, bagong sad boy ng Pinas," natatawang pang-aasar ng kaniyang kaibigan sa likod, pinipigilan naman ng matawa ni Branniada.

"Tumahimik ka nga," napipikon din na ani ni Drake sa kanila at humarap sa'kin.

Napatango ako. "Okay. Good luck."

"Hala napilitan!" sabay tawa ni Branniada  nang hindi na niya mapigilan.

Pero kahit ganoon ay napangiti si Drake ng malawak. Medyo namumula ang kaniyang tenga, siguro nga dahil sa sobrang init dito, maputi rin kasi siya.

"Sige, ikaw rin. Good luck," sagot nito at bumaling kaagad sa ibang direksyon, umalis kaagad ito sa aking harapan habang natatawa namang sumunod si Branniada at ang isang kaibigan niya.

Napakunot ang aking noo. Bakit ganoon siya?

"Kinikilig," mahinang ani ni Crizel kaya nagtataka akong napalingon sa kaniya, naka exis na ang braso nito sa dibdib at sinangga si Hera. "Balik na tayo doon sa booth."

Napatingin si Hera sa'kin at napangiwi. "Hali ka na," paglalabi nito.

Sumunod na ako papunta sa booth nila dito sa oval. Lahat kasi ng mga booths ay nasa oval kasi malawak dito, malaki ang space. Ikaw daw, lahat ng mga classrooms ang sasali para sa grades! May ibat-ibang stalls akong nakikita, may stalls na puro pagkain, games at iba pa. Hindi ko naman iwasang magutom habang nakatitig doon sa pagkain!

"Buti nalang at may nagawa kang tama Lovey," sambit ni Crizel ng nasa harapan na kami ng marriage booth na ginagawa nila o ina-arrange.

Ang ganda tignan! May pa bulaklak sa bawat gilid pa na nagsisilbing Aisle. May malaking tent para naman din hindi maiinitan ang lugar ng nagsisilbing pari at may altar. May singsing naman din sa lamesa na nasa gilid at ang gown ay nasa isang mannequin, naka suot sa kaniya. Kulay puti at kulay pink ang tema ng marriage booth nila ngayon. Ang sobrang neat sa mata. Sure akong makakakita sila ngayon ng 1,000! Kasi iyon ang goal sa every booth e at kung maabot man ang amount na iyon ay may plus point sa mga guro namin.

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon