34: THE TRUTH

85 14 0
                                    


CELIA:


"Freiy, hali ka na."

Tawag ko sa aking anak na si Freiy na limang taong gulang pa lamang. Nakangiti siyang tumakbo papunta sa'kin, na e-excite na pumunta doon sa orphanage na tinutulungan ko.

"Celia, mabuti at napadalaw ka!" si Sister Mancha, ang kapatid ng bestfriend ko na si Corazon. Naging madre siya at siya ang namumuno sa orphanage ngayon na tinutulungan ko. Gusto ko lang na makatulong sa mga kabataang wala ng mga magulang.

Tinulungan naman nila akong ilagay ang mga pinamili, bumili ako ng mga prutas at mga laruan na ibibigay sa mga bata para malibang sila dito at may mailaro sila.

Malapit ang loob ko sa mga bata kaya ng nagkaanak na ako ay inaalagan ko ito higit na sa makakaya ko.

"Saan si Freiy?" tanong ni Sister Mancha sa'kin ng matapos kami sa paglalagay ng mga dinala ko sa loob.

Bumuhay ang kaba sa aking dibdib ng tinanong iyon ni Sister Mancha sa'kin. Ni hindi ko man makita si Freiy na nasa aking tabi, nandito lang siya kani pero bakit bigla siyang nawala!

Nagsimula kaming maghanap-hanap sa kung saan-saan, hindi ko maipaliwanag ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung saan na 'yong batang iyon!

Hanggang sa nakalabas na kami sa bahay ampunan. Napamaang ako ng makita si Freiy na nasa kabilang kalsada habang umiiyak, may lalaking bata rin na sa tabi niya habang pinapatahan ito. Dali-dali akong tumawid sa kabilang kalye at nagtataka kung bakit ganoon ang nangyari.

"Freiy, bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ko ng yinakap na ako nito ng sobrang mahigpit habang umiiyak.

"Nako, Ate! Buti nalang ay nasagip siya ng batang lalaking iyan dahil tumawid 'yan sa kalye ng mag-isa! Muntik ng masagasaan!" sabi ng isang babae sa aking tabi.

Napabaling ako sa lalaking nasa gilid namin, nakatayo habang nakatingin pa rin kay Freiy na yakap pa rin ako ng mahigpit. Napangiti ako sa kaniya. "Salamat sayo Iho."

Simula noong araw na iyon ay nalaman ko ng isa pala siya sa nakatira doon sa bahay ampunan. Sampong taong gulang na ito at ikweninto sa'kin si Sister Mancha na inihabilin siya ng Ina nito ng isang taong gulang palang ito. Nalulungkot ako sa batang iyon. Napapansin kong mag-isa ito palagi, walang kausap. Pero mabuti nalang ay ngumingiting pumapanhik si Freiy sa batang iyon. Siguro ay nagpapasalamat din siya sa batang iyon sa nangyaring pagligtas sa kaniya, syempre ako din. Tinuring ko ng isang anak ang batang iyon.

Simula din ng pangyayaring iyon ay naging kaibigan na sila ni Freiy. Sila na ang palaging magkasama sa tuwing pupunta si Freiy doon.

"Mama! Pupunta po ba tayo ngayon sa orphanage?" tanong ni Freiy habang abala sa pag-aayos ng hairclip niya sa buhok. Napangiti ako at napatango. "Talaga po ba, Mama?!"

"Oo," sambit ko sabay halik sa kaniyang ulo habang abala ito sa hairclip niya na hindi niya mailagay ng maayos sa buhok. Inayos ko ang hairclip sa kaniyang buhok. "Himala at naghairclip ka, anak," natatawang ani ko. Hindi kasi ito nagpapahairclip kahit binibilhan ko na siya ng maraming-marami.

"Mama, magugustuhan kaya ito ni Kuya, Mama," medyo bulol pa na ani nito ng sinabi ang magugustuhan. Napataas ang kilay ko at napatango.

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon