FREIY:
Napuno ng sigawan at galing ang sigawan na 'yon sa mga kasama niya sa basketball. Nakamaang lang ako habang nakatingin sa kaniya. Tumaas ang kilay nito at ngumiti ng kasing tamis na palagi kong makikita sa labi niya.
Gaya pa rin noong una...
Napahakbang ito palapit sa'kin at inilagay ang dalawang kamay sa tuhod at yumuko para magkapantay ang mukha naming dalawa. Suot pa rin ang nakakamaang na ngiti nito ay bumuhay ulit ang tibok ng aking puso, nagsisitaasan ang aking balahibo habang nakatingin sa kaniya. Nakita ko ulit ng malapitan ang singkit nitong mata na mas sumingkit dahil nakatingin ito sa'kin ng diretso.
"A-anong ginagawa mo? L-lumayo ka-"
"Shh..." Ipinuwesto nito ang kaniyang daliri sa harapan ng labi ko. "Please, join."
"Nako kayong mga batang 'to. Mag ayos nga kayo," natatawa at kinikilig na ani ng guro sa gilid namin kaya napaatras at napaayos ng tindig si Drake pero hindi pa rin mawala ang ngiti nito sa mga labi.
Naramdaman ko naman ang pag-irap ni Lovey sa gilid ko. Pero hindi ko na 'yon pinansin at bumalik na si Drake sa harapan namin kung saan ay nakaupo sa mga bleachers na nandito habang tanaw ako.
Hindi ko naman maiwasang mailang kaya napabaling ako sa ibang direksyon at napalunok. "Sige po, sasali na ako."
"Woah!" sigawan naman ng mga kaibigan ni Drake kasabay ng pang-aasar sa kaniya.
"Tumahimik nga kayo, parang kayong bata!" Pagsisita naman ng kanilang coach sa kanila at bumaling sa'kin kaya napangiti ako ng pilit. "Malakas tama mo sa mga players ko Iha, pero wag kang mahulog sa isa sa kanila dito, mga isip bata lahat 'to."
"Except sa'kin coach no!" sagot naman kaagad ni Branniada kaya napangiti nalang ako at napatawa ang karamihan, syempre maliban kay Lovey na kulang nalang ay umikot na ang mata nito.
"So let's continue..." sambit ng guro sa harapan naming anim. "Let's start from your posture, and for me Lovey has the good posture, she's standing straight and she's with her breast out..." sambit nito habang tinignan kami isa-isa at humakbang ng humakbang habang seryosong nakatingin sa'min.
Napaharap ako kay Lovey pero ngumiti ito ng nang-aasar at napabaling sa guro. "Thanks Ma'am-"
"But she doesn't have that friendly facial features..." pagsabat ni Ma'am kay Lovey kaya pilit na pinipigilan ng mga basketball players ang kanilang tawa. "Instead, I saw that on Freiy, I saw you have the most friendly and angelic face in here, you're kinda soft to see, and your voice were soft and kind to hear... Unlike to your friend Crizel," natatawang ani ni Ma'am. So kilala niya pala kaming dalawa?
"Thank you po."
Napasulyap ako kay Drake pero nanatili pa rin ang tingin nito sa'kin. Bumaling naman kaagad ako sa ibang direksyon.
"And you, I saw you has the most perfect body curve here," sabi ng guro sa babaeng nasa pinakagilid. "You have the curves but you don't have the right posture and facial expression."
Hanggang sa natapos na niyang idescribe ang anim sa amin. Makikita nito ang negative at ang positive sides sa amin. Ang sobrang straightforward niya, talagang sinasabi niya ang nakikita niya sa'min.
"So, I can't decide now. I'll give you a time to practice on your walks, perform it here tomorrow. Understood?"
Napatango kaming lahat. "Yes Ma'am."
"Go beautiful ladies, can't wait to see your walks tomorrow."
Natapos na ang lahat at ako ngayon ay kinakabahan sa palakad-lakad na 'yon. Hindi ako marunong, hindi nga kasi ako sumasali sa mga pageants!
BINABASA MO ANG
Her Suitor
Любовные романыCOMPLETED|| Isa siyang independent na babae, maganda at matalino na hinahangad rin ng karamihan. Lumaki ng hindi kumpleto ang pamilya, walang ama sa katabi, pero kayang gawin ang lahat para sa natitirang pamilya. Hanggang sa may biglang dumating sa...