FREIY:
"Freiy..."
Napamulat ako ng marinig ang tinig na iyon. Bumungad sa'kin ang mukha ni Asxel sa aking harapan habang ako ay nakahiga, inilibot ko ang aking paningin at puro puti lang ang aking nakita hanggang sa ibinalik ko ang tingin sa kaniya na ngayon ko lang napansin na hinahawakan niya pala ang buhok ko.
Napalayo kaagad ako sa kaniya at bumilis ang paghinga ng makita siya, kumirot kaagad ang aking dibdib ng makita siya sa aking harapan. Magulo ang buhok nito at makikitang parang walang tulog dahil sa mata nitong mamula-mula rin habang nakatitig sa'king mukha, ang maamo nitong mukha habang nakatingin sa'kin ay nasasaktan na ako, hindi gaya noon na namamangha ako sa kaniyang mukha.
"Are you okay?"
Tanong nito kaya napabaling kaagad ako sa ibang direksyon at napaayos ng upo sa kamang puti na hinihigaan ko. Nanlaki ang mata ko at biglang tumulo ang luha ng maalala ang nangyari kanina. Kung paano unting-unti na napayuko si Mama habang may lumalabas na dugo sa kaniyang bibig, hanggang sa may biglang hindi mapaniwalaang pangyayari na nakita ko na ang ama ko na nakita ko na pala noon. Iyong araw na na aksidente ako at nong nabangga ko noong paalis na ako ng hospital.
Napatayo kaagad ako ng ma rehistro ang lahat ng naisip. Gusto kong makita si Mama, saan na ba siya ngayon?! Hinawakan ni Asxel ang pulsuhan ko bago palang ako makalabas kaya napahinto ako at napatingin sa kaniya na nakatingin sa'kin ngayon na may halong pagtingin ng pag-aalala.
"B-bitawan mo 'ko..." Mahinang ani ko at buti nalang ay binitawan niya kaagad ako.
Lumabas kaagad ako ng kwarto at bumungad kaagad sa'kin ang mga pasyente at mga nurse na nandito na hospital na ito. Natataranta ako at naiiyak na paano nalang kung ano na ang nangyari kay Mama? Paano nalang kung hindi ko siya makita? Kaya dapat ko siyang mahanap!
Binilisan ko ang paghakbang at bahagyang tinutulak na ang mga nurse sa aking harapan dahil sa kagustuhang makita na si Mama. Binubuksan ko ang mga kwarto na nadadaanan ko pero hindi ko nakita si Mama, nagsimula ng tumulo ang luha ko sa iritasyon ng hindi pa rin siya makita.
"Freiy," narinig kong tawag ni Asxel pero hindi ko iyon pinansin, mas binilisan ko pa ang paglalakad sabay bukas sa mga pintuan ng mga rooms na madadaanan ko.
"Mama..." Mahinang bulong at nagsimulang tumulo na talaga ang luha.
"Freiy!"
Tumakbo na ako ng marinig ko ang tinig ni Tita at mas naramdaman ang matinding kaba at taranta ng ilang kwarto na ang nabuksan at nasilip ko ay wala pa din doon si Mama. Napahinto ako ng makita nag isang nurse na nakatingin sa'kin. Patuloy pa din akong tinatawag nila Tita pero hindi ako nakinig.
"Sa-saan po ba si Celia Diezza? S-saan ang room niya?" tanong ko pero ang tagal nitong makasagot kaya napatakbo ulit ako.
Bumuhos na ang luha ko dahil sa maraming pumapasok na kung ano sa aking isipan na hindi ko matanggap. Nanginginig na ang mga tuhod ko pero pinilit kong makatakbo palayo sa kanila ni Tita na tinatawag ako at sinusundan ako ngayon.
"Mama!" hindi ko na napigilan at napasigaw dahil sa tinding kaba at takot na nararamdaman ng pumapasok sa isipan ko, hindi ko na alam. Natataranta na ako!
BINABASA MO ANG
Her Suitor
RomanceCOMPLETED|| Isa siyang independent na babae, maganda at matalino na hinahangad rin ng karamihan. Lumaki ng hindi kumpleto ang pamilya, walang ama sa katabi, pero kayang gawin ang lahat para sa natitirang pamilya. Hanggang sa may biglang dumating sa...