FREIY:Sumakay na kaagad ako sa sasakyan ni Asxel ng pagkatapos ng sinambit niya. Tahimik lang ako hanggang sa nakapasok at seryoso na ito sa pagmamaneho. Hindi ko masyadong maintindihan ang ginagawa niya e. Manliligaw ko ba siya o driver?
"How's your day?"
Nagulat akong napabaling sa tanong niya. Ang tingin pa rin ay nasa harapan habang nagmamaneho. Napahilig ako sa backrest at napapikit sabay tingala. "Okay lang. Normal lang na araw para sa'kin."
Naramdaman kong napasulyap ito pero hindi ko 'yon pinansin.
"Are you sleepy?"
Tanong nito ulit. Ang rami namang tanong ng lalaking 'to. Bakit naging palatanong na ito ngayon. Hindi naman siya ganito noong nakaraang araw, masyadong masungit, snobbero at maldito talaga sa paningin ko.
"Medyo," mahinang sagot ko. "Teka, bakit mo ba ako sinusundo at hinahatid, nag-aaral ka pa diba?" tanong ko nito, hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ginagawa ito e.
Napasulyap ito sa'kin sabay pagtaas ng kilay niya. "And now you're interested on me."
Napamaang ako. "Ano? Hindi ah! Gusto ko lang malaman, dahil..."
"Dahil?"
"Baka disturbo lang ako sa pagsusundo mo. Hindi ka ba nadidistorbo dahil palagi mo 'kong hinahatid? Paano na ang pag-aaral mo? Diba intern ka na?" walang tuldok na tanong ko. Napalunok naman ako ng marehistro sa isipan ng ang sobrang grabe ng sinabi ko.
Baka maisipan niyang...
"Are you concern?" napahinto ito sa pagmamaneho at tinitigan ako gamit ang kaniyang dalawang pares ng hazelnut na mata. Hindi ko maiwasang mas titigan pa 'yon, ang sobrang lalim, parang sa likuran ng kaniyang mga mata ay may paghangang lumalabas na hindi niya matatago habang kaharap ako.
Sa mahahaba niyang pilikmata habang nakatitig sa'kin at sa makapal at pormado nitong kilay. Ngayon ko lang nakita ng mas matagalan ang mukha niya... At tama nga sila...
Ang gwapo niya.
Napailing naman kaagad ako sa inisip at napabaling sa ibang direksyon sabay lunok. Hindi ko na makaya ang tingin niya, akala ko ay matatalo ko siya pero ako pala ang natalo.
Napabaling din naman kaagad ito sa ibang direksyon dahilan na napaharap ako sa kaniya. Nakita ko ang bahagya nitong paglunok dahil sa adams apple nito na mas nakadagdag ng kagwapohan sa bawat parte ng katawan niya.
May malapad itong braso, may kapayatan pero may kurba. Maputi at makinis ang balat nito. Ang mukha nitong makikita mo kaagad ang seryosong mukha nito at ang ma awtoridad na tindig.
Napakunot ang noo ko habang tingin siya.
Bakit ako nililigawan ng lalaking 'to?
"Salamat," pagsasalamat ko ng makalabas na ako sa sasakyan niya. Napatango ito.
"Keep safe and..." napabaling ito sa ibang direksyon. "Don't eat someone's sandwiches, it might have a potion."
Huh? Ano daw?
Naparahap ito sabay bukas sa seatbelt niya at lumabas sa sasakyan nito kaya naguguluhan ako habang tanaw siya ma binuksan ang car door ng backseat at parang may kinuha doon. Umikot ito hanggang sa nasa harapan ko na ito.
Nagtataka na akong habang nakatingin sa box na cake na hawak niya. Umigting ang panga nito sabay napaharap sa gilid, iniiwasan ang aking tingin.
"Take this..."
Napakunot ang noo ko. "Hindi ko 'yan kailangan-"
Natigilan ako ng bigla niyang kinuha ang aking kamay sabay lagay ng cake doon. Bigla nalang itong lumakad papunta ulit sa sasakyan niya at pumasok doon habang ako ay nakamaang sa ginawa niya. Pagkasakay nito sa sasakyan ay napatingin ito sa'kin.
BINABASA MO ANG
Her Suitor
RomanceCOMPLETED|| Isa siyang independent na babae, maganda at matalino na hinahangad rin ng karamihan. Lumaki ng hindi kumpleto ang pamilya, walang ama sa katabi, pero kayang gawin ang lahat para sa natitirang pamilya. Hanggang sa may biglang dumating sa...