15: FIRST SMILE

103 16 10
                                    


FREIY:


Kinurap-kurap ko pa ang aking mata para makita ng malinawan ang lalaking kinaibabawan ako ngayon. Nang makita na ng malinaw ay hindi ko maiwasang magulat sa lalaking nagligtas sa buhay ko.

"Freiy? Hey? Okay ka lang?" sunod-sunod na tanong nito habang hawak ang magkabilang balikat ko.

Nakatingin pa rin ako sa kaniya at bahagyang nagulat sa kaniyang hawak sa aking balikat. Nang mapansin niya 'yon ay umalis na ito sa ibabaw ko at inilahad sa'kin ang kaniyang kamay para makatayo, pero dahil sa kahihiyan ay hindi ko 'yon hinawakan at tumayo ako ng mag-isa.

Pinagpagan ko ang aking damit, naramdaman ko naman ng titig nito sa'kin. Medyo naiilang at nahihiya ako sa katangahang ginawa ko ngayon. Bakit ba kasi ako nag-iisip sa kaniya!

"Freiy? Gusto mong dalhin kita sa hospital? Ano okay ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong nito ulit.

Napakagat labi ako at buong lakas na tinignan ang mukha niya na ngayon ay nag-aalalang napatitig sa'kin. Ngumiti ako ng pilit. "Salamat Drake..."

"Ano ba kasing problema mo? Lutang ka ah? Mag ingat ka nga Freiy," napahawak na ito sa sintido niya, nawawalan ng pasensya.

Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o nagagalit.

"Salamat talaga. Wala naman akong problema, hindi ko lang namalayan ang sasakyan," napayuko ako at napatingin sa aking kamay na ngayon ay nakahawak sa ibabang hibla ng aking damit.

Nagsitayuan ang aking balahibo ng bigla nitong hinawakan ang ulo at ginulo ang aking buhok, nang mahagip ko ang sugat na nasa kanang siko niya, may gasgas ito at dumudugo. Hindi ko maiwasang makonsensya, napaatras ako at tinuro ang siko niyang may sugat.

"May sugat ka Drake, gamutin natin 'yan," sabay sabi ko habang nakaturo roon.

Napatingin si Drake doon pero napangiti na rin kalaunan. "Sus, malayo lang sa bituka 'to kaya wag n-"

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at hinila kaagad siya palayo doon. Medyo malapit nalang din ang parke dito kaya doon ko siya papuntang hinila para magamutan. Ayaw ko naman siyang dalhin sa bahay nu, may maraming chismosa doon, baka sabihing jowa ko si Drake.

Pinaupo ko kaagad siya roon, nasa harapan kami ngayon ng dancing fountain, medyo malamig din kasi ang simoy ng hangin dito at ang sobrang presko ng hangin. Kaya kung wala ako sa playground, dito ako tumatambay.

Nagpaalam muna ako sa kaniya para bumili ng gamot. Bumalik naman kaagad ako at ngayon ay nasa tabi ko na siya habang hawak ko ang siko niya at ginagamot ito.

"Aray naman Freiy," reklamo nito ng nilagyan ko ng alcohol.

Napangiti ako. "Sabi mo ang layo lang sa bituka, pero bakit nasasaktan ka? Alcohol lang 'to bro," natatawang ani ko habang napasulyap sa kaniyang napipikon.

"Syempre alcohol 'yan e, masakit kaya," sagot kaagad nito, napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang ginawa.

Pagkatapos non ay nananahimik nalang kaming nakaupo habang nakatingin sa dancing fountain na nasa harapan namin. Hindi ko talaga maiwasang mag-isip sa nangyari kanina kung bakit 'yon nangyari. Nang dahil lang sa taong iniisip ko kanina ay malapit na akong mabangga.

"Practice na kayo simula bukas diba?" Panimula ni Drake, napasulyap ako sa kaniya at tumango, binalik ko naman kaagad ang tingin sa harapan.

"Oo, bakit?"

"Wala lang, mas magkikita tayo doon," natatawang ani nito, napasimangot ako at napabaling sa kaniya.

"Wag mo 'kong asarin bukas," napairap ako.

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon