31: WHO ARE YOU?

81 13 0
                                    


FREIY:

"Napuwing lang ako, oy!"

Pagsisinungaling ko ng bumitaw na siya sa pagkayakap sa'kin. Hindi ko maiwasang magulat sa ginawang pagyakap niya sa'kin, pero salamat sa kaniya dahil gumaan naman ng konti ang nararamdaman ko, di gaya ng kanina na ang sobrang galit ko sa taong manloloko diyan. Iyong ayaw makontento sa isa, ganoon!

"Ay sorry. I just hide your crying face from everybody that's why I hugged you," nagkibit balikat pa ito.

"Napuwing nga lang ako, hindi ako umiiyak. At bakit naman ako iiyak?!" agarang sagot ko kaagad. Bakit kasi hindi siya naniniwalang napuwing lang ako! Dapat makisabay nalang siya sa pagsisinungaling ko, e.

"Okay. Sinabi mo e," natatawang ani pa nito kaya pinalo ko siya sa braso, tumawa lang ito kaya napairap nalang ako at umalis sa harapan niya, umunang maglakad.

Sumunod naman kaagad siya sa'kin kaya nandito na siya sa tabi ko, nakapamulsa habang naglalakad kaming dalawa pabalik sa room namin. Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin, mabuti nalang at naikalma ko na ang sarili ko kanina. Gusto kong ilibing ang sarili ko ng buhay sa lupa dahil nakita akong umiiyak ni Asxel. Alam mo namang ayokong makita niya akong umiiyak.

At bakit niya ba ako sinusundan kanina? May girlfriend siya at tinawag siya noong oras na iyon pero pinili niya paring sundan ako. Ang two timer talaga nitong si Asxel. Ayoko na ng mga medical students! Bakit ang manloloko ninyo?

Mark my word! Hindi ako magjojowa ng medical students, magpakailanman!

"May galit ka ba sa daan?"

Napatigil ako sa pag-iisip at napabaling kay Drake na ngayon ay natatawa habang nakatingin sa'king mukha kaya kinuotan ko siya ng noo. "Huh?"

"Tignan mo nga mukha mo sa salamin, parang may kaaway kang imaginary. May imaginary friend ka ba?" tumatawa ng ani nito kaya aksyon ko na sana siyang babatukan pero tumakbo kaagad ito palayo sa'kin kaya hinabol ko siya.

Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong naghahabulan kasama si Drake na parang mga bata.

Hindi ko siya naabutan dahil ang bilis niyang tumakbo kaya napahinto ako dahil sa hingal. Parang tanga naman itong ginagawa namin, parang bata na nakalabas sa bahay para makapaglaro dahil hindi nakalaro kahapon kasi hindi natulog ng hapon.

"Oh, tubig!" natatawa paring ani nito habang inabot sa'kin ang tubig.

Kinuha ko kaagad ito sa kaniya at pinalo ito sa ulo niya ng mahina kaya napangiwi ito at napahawak sa ulo. "Ang cheater mo!"

"At bakit ako naging cheater?!" asik ko kaagad sabay inom sa tubig na ibinigay niya sa'kin.

"Joke lang."

Pagkatapos naming maghabulan ay pumanhik na kami sa room namin. Gusto niya sana akong ihatid doon pero hindi na ako pumayag, kaya ako nalang ang mag isa na pumunta pabalik sa room. Nakita ko naman kaagad ang magulo at maingay naming classroom ng pumasok na ako dahil walang teacher.

"Freiy! Diba 'yong lalaki ay nakasayaw mo noong intrams?" malakas na tinig na tanong ng lalaking kaklase ko sa likuran habang naglalaro ng mobile legends.

"Hindi ko alam," sagot ko at pumanhik papunta sa upuan ko at umupo doon.

Napataas ang aking kilay ng makitang nagbabasa ng libro si Crizel, himala?

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon