FREIY:
"At bakit ka nandito ha!?"
Pinilit ko ang boses na wag mautal at nagagalit na tono kahit naman ay may parte sa aking gusto kong ngumiti ng malawak sa kaniya. Parang tanga kung sabihin pero oo nga!
"You didn't want me to fetch you up when I'm with my car. So I'm going to escort you walking," sagot kaagad nito dahilan na napakunot ang aking noo. Pinasok niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon. "Let's go. You're going to be late."
Umuna itong naglakad sa'kin kaya wala na akong nagawa kundi sumunod nalang at nakatingin lang sa kaniyang likuran. Hindi naman din ito lumingon sa'kin at nagpatuloy lang ito sa paglalakad , ano bang problema nitong lalaking 'to at hindi ako kinakausap?
Tumakbo ako para makapantay siya sa paglalakad, napasulyap ito sa'kin pero binalik ulit ang kaniyang tingin sa dinadaanan namin. Hindi na din ako nagsalita at ganoon din siya na nakatuon ang pansin sa dinadaanan namin.
Hanggang sa hindi ko na napigilan ay napabuntong hininga ako ng malakas, dahilan na napabaling ito sa'kin, suot ang nagtatakang tingin. Pero hindi ko 'yon pinansin at itinuon ulit ang tingin sa dinadaanan namin.
"Bakit mo pa tinitiis ang sarili mong maglakad kung may sasakyan ka naman," napasulyap ako sa kaniya, tinaasan lang ako ng kilay nito.
"Kasi sasabayan kita," maikling sagot nito, napatango ako.
"Bakit mo gusto akong sabayan?" tanong ko ulit.
"Kasi nanliligaw ako sayo."
Sa pagsagot niya ng ganoon, kahit na ay 'yon na ang pagpapakilala niya sa kaniyang sarili sa'kin noong una ay hindi ko pa rin maiwasang magulat sa sinabi niya. Nagugulat akong napabaling sa kaniya pero walang emosyon pa rin ang mukha nito habang naglalakad, nakatuon pa rin ang sarili sa daan.
Sa oras na 'yon ay kinain na ng katahimikan at sinasabayan ko nalang ang kaniyang hakbang dahil ang bilis nitong maglakad, parang nagmamadali na ewan.
Nasa harapan na kami ng coffee shop nang tumigil na kami sa paglalakad. Napaharap ako sa kaniya at ganoon rin siya sa'kin habang sumusulyap sa kaliwat-kanan. Parang may binabantayan na ewan talaga!
"Hoy? Anong nangyari sayo Kuya?" nagtatakang tanong ko.
"What?" iritadong tingin nito, parang hindi kaaya-aya ang sinabi ko para rumeaksyon siya ng ganyan sa aking harapan.
"What?" ginaya ko ang boses niya, hindi naman sa nang-aasar ako pero ganoon na nga.
"What did you called me?" sumeryoso ang boses nito, ganoon nalang ang pagmaang ko nang umiba kaagad ang awra na ngayon ay nasa mukha niya.
"Ku..." binagalan ko ang boses ko. "Ya," mas madiin na ani ko at tumango habang ang kamay ay nasa baba. "Kuya."
"I'm not that old, young lady," mabilis pa sa the flash na sambit nito.
"Sinabi ko bang old ka? I just said that you looked like my Kuya. You always drive me home or going to school, escort me walking and giving me foods..." sambit ko. "So you look like a Kuya for me."
Tinaasan ko siya ng kilay pero napaatras ako ng humakbang ito paabante sa'kin. Hanggang sa napahugot ako ng hininga ng ipinantay niya ang taas naming dalawa. Ngayon ay magkapantay na ang aming mukha dahil nakayuko ito ngayon sa aking harapan. Tumaas ang gilid ng labi nito dahilan na parang lumubo ang aking mata sa gulat ng makita siya malapitan habang nakangiti.
"So what should a suitor do ba?" nang-aasar na tono nito. "Should I give you forehead kisses? Hugs? And uhm..." nakakalokong ani nito, napalunok ako. "Silly. Don't call me Kuya again, child."
BINABASA MO ANG
Her Suitor
RomanceCOMPLETED|| Isa siyang independent na babae, maganda at matalino na hinahangad rin ng karamihan. Lumaki ng hindi kumpleto ang pamilya, walang ama sa katabi, pero kayang gawin ang lahat para sa natitirang pamilya. Hanggang sa may biglang dumating sa...