35: PICTURE

87 13 0
                                    

FREIY:


"Come on, let's go home."

Hindi pa din ako makapaniwala na nakita ko ang keychain na pagmamay-ari ni Drake na may pangalan ko ang nakasulat doon. Napansin kong gustong magtanong ni Asxel pero hindi niya na tinanong iyon dahil siguro sa reaksyon na pinakita ko.

Hinahawakan ko pa rin ang keychain at nakatitig doon. Nakita ko ito sa lugar na kung saan nandoon 'yung lalaking sumusunod sa'kin at may kasama itong bago. Matangkad at tsaka mapayat, parang si Drake...

Napahawak ako sa noo, naguguluhan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, baka ay hindi iyon si Drake, diba? Baka dumaan si Drake doon kanina at nahulog niya ang keychain na ito at hindi siya 'yung kasama ng lalaki kanina. Sana hindi, sana hindi siya.

"Freiy..."

Napatingin ako kay Asxel ng bababa na sana ako ng sasakyan dahil ay nasa harapan na kami ng bahay ko. Makikita ang nagtatanong na tingin nito kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ano?" tanong ko sa kaniya.

Akala ko ay sasagot ito pero umiling lang siya at ngumiti. "Goodnight."

Pumasok na ako ng bahay na parang wala sa sarili, madaming pumapasok sa isipan ko na hindi ko matanggap. Hindi ko inaasahan ang nakita ko ngayon, lalong-lalo na sa keychain ni Drake na nandoon sa pwesto ng mga lalaking sumusunod sa'kin at gusto akong patayin. At hinding-hindi ko inisip sa tanang buhay ko na isa si Drake na gustong patayin ako, hinding-hindi...

Baka hindi siya...

Hindi.

"Mama!" pinipilit ko ang mangiti ng makapasok sa bahay at yumakap ng mahigpit kay Mama, gusto ko lang ng pahinga, malayo sa pumapasok sa isipan ko na patuloy akong binabagabag hanggang ngayon.

"Oh!" nagugulat pero natatawang ani ni Mama at yumakap sa'kin pabalik. Umalis na ako sa pagkayakap sa kaniya at ngumiti. "May problema ba?"

Unting-unti na napawi ang ngiti ko sa labi sa tanong nito, talagang nakikita niya ang totoong nararamdaman ko. Ganyan talaga si Mama, parang nababasa ang isip ko e, kagaya na din ni Tita.

"Wala po Ma, gusto ko lang tumabi na matulog sa'yo," nakangiting ani ko, tumango ito at ngumiti din.

Naligo na ako at nagbihis, hindi na ako kumain dahil busog na din naman ako sa kinain namin nila Asxel kanina. Dinala ko ang unan ko at tumabi kay Mama. Si Tita nalang daw muna sa kwarto ko dahil daw ay dito ako tatabi kay Mama.

Humiga na ako sa tabi ni Mama at iniyakap siya ng mahigpit habang hinahaplos niya ang likuran ko. Gustong-gusto kong magpahinga sa lahat ng iniisip ko, gusto kong makakita ng totoong pahinga at sa tabi lang ni Mama ko makikita iyon.

"Kumusta ang exam mo?" tanong ni Mama sabay haplos sa aking likuran habang nakayakap ako sa kaniya.

"Okay lang naman po, Ma," sagot ko kaagad at yumakap ng mahigpit sa kaniya.

"Ikaw? Kumusta na ang maganda kong anak, may manliligaw na ba?" nang aasar na tanong ni Mama kaya napaatras ako sa gulat, napalunok. "Meron na ba?"

Napakagat labi ako ng naisip na hinalikan na ako ng manliligaw ko. Alam kong mali ito dahil nagpahalik ako sa taong nililigawan pa lang ako at hindi pa talaga kami. Pero hindi ko napigilan e, parang hindi ko kaya...

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon