22: FIRST DATE?

95 16 4
                                    


FREIY:

Hanggang ngayon ay hindi matigil sa kakatawa si Crizel at Hera. Hindi na nila napigilan kaya't humahagik-ik na ito. Habang ako ay nakatulala paring nakatitig sa panyo na hawak ko ngayon na inabot ni Asxel kanina, hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang sinabi.

Ganyan ba talaga ang mga Medical Students?!

"Walang hiya, pigilan niyo 'ko," si Crizel na hindi talaga matigil sa kakatawa. Hindi ko maiwasang mapairap sa gawi niya.

Hindi ko alam kung bakit sila natatawa, basta ako ay nagulat lang sa ginawa ni Asxel at sinabi sa'kin.

Bumalik na ang dalawa at pilit nang pinipigilan nila Crizel ang kanilang tawa. Ngumisi naman kaagad si Drake bago ito umupo sa aking harap, pero nang mapabaling ako kay Asxel ay kinuotan lang niya ako ng noo na galing kay Drake ang kaniyang tingin. Hindi ko maiwasang ipagkumpara sila sa simpleng galaw lang na 'yon.

Nagsimula na kaming kumain ng tapos na itong iluto kaya tahimik kaming kumakain ngayon. Parang may dumaang anghel dahil kahit isa sa'min ay walang nagsalita hanggang sa napatikhim si Crizel sabay tingin kay Asxel na ngayon ay abala sa kinakain niyang isaw at fishball sa kaniyang harapan.

"Kumakain ka pala ng mga street foods?" tanong ni Crizel kaya napabaling kaming lahat sa kaniya. Pati ako ay nagsimula ng magtaka dahil kumakain ba talaga si Asxel ng ganyan? Hindi halata.

Tumango si Asxel. "Hmm. I always ate here with my friends when I'm just still in highschool..." Sagot kaagad nito kaya napatango si Crizel.

"Hindi halata ah."

Nagpatuloy na kami sa pagkakain. Mas gusto ko lang makasama sila Crizel at Hera dahil talagang hindi awkward ang atmosphere namin dito, siguro ay habang kumakain ay tumatawa kami sa isang bagay. Pero ngayon ang bigat naman ng hangin, hindi ko alam kung bakit.

Pagkatapos naming kumain ng walang naging topic ay tumayo na kaming lahat.

"Magbabayad muna ako," sambit ni Drake, nagpapaalam para pumunta doon sa harapan para magbayad.

"Sige. Salamat," ako na ang sumagot dahil walang sumagot sa kahit isa lang sa kanila.

Ngumiti si Drake at tumango.

Pumanhik na siya doon habang kami ay nakatayo, hinihintay siya. Si Asxel ay nakapamulsa ngayon habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa, nakatingin sa gawi ni Drake na nakakunot ang noo.

"Pero Aling, hindi pa talaga ako nagbayad," si Drake sa harap ng Aling.

Napatingin ang Aling sa direksyon namin at biglang tinuro si Asxel kaya nagtataka kaming lahat na napabaling sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at bumaling kay Drake na ngayon ay nakatingin kay Asxel.

"I already paid it. Let's go."

Napamaang si Drake, nakita ko ring umigting ang kaniyang panga. Hindi ko maiwasang tignan ng matalim si Asxel, bakit naman siya ang magbabayad na libre naman sana ito ni Drake?

Wala na kaming nagawa kundi lumabas na sa stall na iyon. Nanatili ulit ang katahimikan sa aming lahat. Ang bigat talaga sa pakiramdam pag kasama ko ang dalawang ito. Siguro nga dahil kasama lang naman namin ang dalawang matatangkad na lalaki at mukhang mayaman! Bakit ba kasi sila sumasama sa'min, mas gusto ko pang ako lang mag isa.

"Punta ka pa sa coffee shop?" tanong ni Hera ng nasa kalsada na kami.

"Oo," sabay tango na sagot ko sa kaniya.

Napatingin sila Asxel at Drake sa gawi ko. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at humakbang na paalis doon. Ayaw ko ng ma stranded doon sa kanila no, kasi parang mamamatay ako sa sobrang awkward ng atmosphere dito!

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon