FREIY:
Umaayos kaagad ako ng tayo at lumayo sa kaniya sabay lunok. Hindi ko alam pero ganoon nalang ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya kasabay ng kaniyang matalas na tingin sa dalawang pares ng kaniyang hazelnut na mata na nakita ko ng malapitan kanina.
Ang mata niyang ma awtoridad na madadala ka talaga sa tingin nito na magiging dahilan na matutunaw ka din kaagad. Napabaling ito sa ibang direksyon sabay lagay ng dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa sa pantalon niya.
Kahit sa pananamit ay makikita mo kaagad na isa itong mayaman, kasali na din ang kaniyang tindig. Hindi ko nga alam kung nag-aaral na ba siya o may trabaho na?
Pero teka, anong pakialam ko?!
Nakita ko ang bahagyang paglunok nito. "I'm going to drove you home now. I'll wait there outside."
Hindi na ito lumingon sa'kin at tumalikod sabay lakad palayo. Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis nalang ng pagtibok nito kahit wala na siya sa harapan ko.
Inaayos ko ang aking buhok at inilagay ito sa likuran ng aking tenga. Nagsimula na akong humakbang papunta sa silid aralan ko at bumungad kaagad sa'kin ang malalagkit na tingin ng aking mga kaklase na natigil sa ginagawang kalokohan dahil wala na si Ma'am.
"Oy! Si superman batman 'yong nagsave sayo noong sa taxi diba? Siya 'yon?" mahabang hindi ko maintindihan at masyadong mabilis na banggit ni Hera sa akin.
Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin ko ngayon lalo na ang kaklase naming si Lovey, si Lovey lang naman ang pinakamaharot dito sa klase namin.
Charot lang.
Hindi ko sinagot si Hera at umupo kaagad katabi ni Crizel na ngayon ay nakangiting aso sa harapan ko.
Bumaling kaagad ako sa ibang direksyon at sinimulan na ligpitin ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Malapit na ding mag uwian, napaaga lang ng dismissal si Ma'am.
"Hoy! Siya ba 'yong sinasabi ni Hera na si Papa Piolo?" malakas na banggit nito na parang naabot na sa pinakahuling classroom.
"Ang ingay mo talaga," mahinang banggit ko at hindi siya pinansin. Nagpapatuloy sa pagliligpit sa loob ng bag kahit ang sobrang ligpit na non.
"Pero nga!" sabay hawi nito sa kamay ko kaya napabuntong hininga akong napabaling sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Nakita ko naman kaagad ang ngiting aso nito. "Boyfriend mo?"
Napamaang ako sa tanong nito at tinakpan kaagad ang bibig niya. Natatawa naman ito sa ginawa ko kaya mas tinakpan ko ito dahilan na naiirita na ito sa ginawa ko.
"Wag ka ngang maingay," bulong ko.
"B-bitawan mo," natatawang ani nito at pilit na kinukuha ang kamay ko sa bibig niya kaya pinandilatan ko siya at kinuha ang kamay ko sa bibig niya.
"Bakit ka kinakabahan? Totoo ba?""Ano ba, hindi nga! Ikaw no ang hilig mong magkalat ng fake news! Diba may lesson tayo na maghanap ka ng news sa realible sources at ako 'yon, kaya maniwala ka nga-"
"Bakit ang dami mong dada? Defensive naman Freiy," natatawa na ani nito ng biglang sumulpot na si Hera sa likuran ko. Napairap nalang ako kay Crizel at binaling ang tingin kay Hera.
BINABASA MO ANG
Her Suitor
RomanceCOMPLETED|| Isa siyang independent na babae, maganda at matalino na hinahangad rin ng karamihan. Lumaki ng hindi kumpleto ang pamilya, walang ama sa katabi, pero kayang gawin ang lahat para sa natitirang pamilya. Hanggang sa may biglang dumating sa...