8: LALAKI

123 16 0
                                    


FREIY:

"H-huh?"

Hindi makapaniwalang ani ko sa sinabi nito. Talagang doctor ba siya? Pero 23 palang siya e. Paano naging doctor kung ang sobrang bata pa niya para maging ganoon. Naguguluhan talaga ako sa lalaking 'to. Biglang sumusulpot kasi sa buhay ko ng walang paalam.

"Soon to be a doctor."

Napatigil ako sa aking pag-iisip ng sumagot ito sa'kin. Napatango ako ng malamang talagang hindi pa siya doctor. Ang grabe naman no na 23 pa pero doctor na, ano siya genius? Pero oo nga bakit ba ako interesado?

"I'm still a medical student. I'm still an intern in Fripp hospit-"

"Hindi ako interesado."

Natigilan ito sa pagsasalita ng sumabat ako sa kaniya. Akala niya siguro ay interesado na ako sa kaniya ah? Pwes hindi no!

"Okay. I'm just informing you because it looks like you think deeply about what I've told," nakataas na kilay na banggit nito at itinuon ulit ang tingin sa dinadaanan namin.

Napasandal nalang ako ulit sa backseat ng inuupuan ko at itinuon ulit ang sarili sa dinadaanan namin. Hanggang sa nandito na kami sa harapan ng coffee shop at ang parking lot ay nandito lang din sa gilid ng coffee shop. Hindi naman masyadong kalakihan ang coffee shop na ito, walang second floor pero malawak naman at medyo kalakihan ang espasyo sa loob.

May maraming suki na din kami dito, karamihan ay mga estudyante din katulad ko na dito nag aaral dahil tahimik at presko ang coffee shop na ito dahil may maraming tanim din sa loob. Totoo naman na ang presko talaga dito kaya hindi ako nagsisisi na dito ako nagtratrabaho ngayon.

Hindi naman mahirap sa'kin noong first day ko palang dito at bago ko pa lang nakatuntong ng 18 non. May nakaibigan kaagad ako at ito ay si Zandra. Madaldal at friendly siya kagaya nila Crizel at Hera. Kilala din nila ang isa't isa dahil sa'kin.

Minsan pag hindi busy ay gumagala din naman kami pero buwan na ang nakalipas na hindi kami nakagala ulit dahil abala na sa ginagawa ngayon. Lalo na na graduating na kami nila Hera ng highschool habang si Zandra ay college na.

Napabaling ako sa kaniya at napangiti ng pilit. Parang plastik siguro tignan pero argh! "Salamat sa paghatid, " sambit ko.

Hindi ko na siya hinintay at binuksan na ang car door sabay baba at napatingin sa kaniya ulit. "Wag ka ng mag abala pang ihatid ako ulit. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat.".

Nakahawak pa rin ito sa steering wheel habang nakatingin sa'kin. "I'm not busy. I can drive you where you're going all the time, lady."

Hindi ko maiwasang titigan ang bawat parte ng mukha niya at napahawak ako sa panga. "Okay na sana..."

"What?"

"Pero ang sungit ng mukha," dagdag ko.

"What?" naguguluhan na ani nito, inangatan ko lang siya ng gilid ng labi ko at isinirado ang pintuan ng sasakyan at tumalikod sa gawi niya at naglakad papunta sa coffee shop.

Pero napaatras naman ako ng ang mukha kaagad ni Zandra ang bumungad sa'kin habang napasulyap doon sa sasakyan ni Asxel na umandar na at umalis bago ito bumaling sa'kin ulit.

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon