25: ONE DOWN

82 12 0
                                    

FREIY:


Inabala ko nalang ang sarili sa pagtratrabaho para kalimutan 'yong nangyari kanina. Kahit trabaho na ng iba ay ginagawa ko na para makalimutan iyon pero hindi pa din... Dahil bumabalik pa rin ito sa isipan ko kahit ano pang gawin ko para abalahin ang sarili.

"Hoy! Magpahinga ka na, hindi mo na trabaho 'yan!" si Zandra habang nag mo-mop ako, hindi inalintana ang pagod dahil talagang gusto kong abalahin ang sarili ko.

Napapunas ako sa pawis ng aking noo at napahinto sa ginagawa. Kinuha naman kaagad ng isang kasamahan namin o ang lalaking tig mo-mop talaga. Medyo nagulat din kasi siya sa ginawa ko dahil ako ang nag mo-mop at hindi siya.

"Ano bang problema at parang ginaganahan kang magtrabaho ngayon," si Zandra na sabay taas ng kaniyang kilay sa'kin. Napabuntong hininga ako.

"Gusto ko lang mag trabaho. Anong problema don?" agarang sagot ko para hindi na mapunta sa ibang topic at para na din hindi na kami umabot sa punto na baka masasabi ko ang nangyari kanina.

Tama din naman ang desisyon ko, ayaw ko na talagang makadagdag pa ng problema sa kanila dahil may kanya-kanya din silang iniisip. Sasarilihin ko nalang ito, basta kailangan ko lang ang mag ingat. Nakaka trauma sa totoo lang, parang ayaw ko ng lumabas at ayaw ko ng pumunta o maglakad ng ako lang isa, baka kasi bigla nalang iyong susulpot at baka 'yon na ang oras na papatayin ako ng lalaking 'yon.

Iniisip ko pa lang na may gustong pumatay sa'kin ay sapat na iyon na dahilan na mamamatay ako sa takot at pag-aalala, na baka ay papatayin na ako mamaya, bukas o sa susunod na araw. Hindi natin o hindi ko alam ang galaw at ang plano ng lalaking iyon, gusto ko siyang tanungin kung ano ang problema niya sa'kin at kung bakit gusto niya akong patayin. Kinakabahan ako at natatakot talaga ako pero pinipilit ko ang sariling maging matatag at matapang.

Pagkatapos ng pagtratrabaho namin ay nagbihis kaagad ako. Hindi ko naman maiwasang kabahan at matakot dahil gabi na at sana naman ay nandito si Asxel para sundiin ako... Sana nga.

Lumabas na kami ni Zandra sa coffee shop, napapansin ko ring tahimik siya kaya napabaling ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. "Tahimik ka? May problema ba?"

Napatingin ito sa'kin at humugot ng isang malalim na hininga. "Si Papa nagkasakit..." Nalulungkot na ani nito.

Nasa bukid kasi nakatira talaga sila Zandra pero lumuwas siya dito sa Maynila para mag-aral at magtrabaho para sa natitira niyang pamilya doon sa bukid.

Napahinto ako sa paglalakad at ganoon na rin siya. Kumuha kaagad ako ng pera sa pitaka ko at inilagay ko kaagad ang pera sa kaniyang kamay dahilan na natigilan siya.

"Wag na Freiy..."

Pinahawak ko talaga ang pera sa kaniya. "Tanggapin mo na 'yan! Kailangan 'yan ng Papa mo. Hindi iyan kalakihan pero sana makakatulong na 'yan..." Nakangiting ani ko sa kaniya.

Napanguso siya, naiiyak. "Salamat talaga Freiy, malaking tulong na ito kay Papa."

Yumakap ito sa'kin kaya yumakap din ako pabalik sa kaniya. Kahit ganoon ka daldal at ka masiyahin si Zandra ay may malungkot din siyang parte ng buhay niya at may malaking responsibilidad na ginagampanan sa buhay. Proud nga ako na naging kaibigan ko ang isang tulad ni Zandra.

Her Suitor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon